DRAMA

ISANG DAKILANG MAMAMAYAN NG REPUBLIKA

Rene O. Villanueva
Filipino

MGA TAUHAN:
LOLA 76 anyos, maitim, tindera ng turon at banana cue
TAGPUAN:
Gabi, kasalukuyan. Sa isang maliit na puwesto ng banana cue sa may Recto.
Ilang hakbang mula sa panulukan ng Recto at Bilibid Viejo, katapat ng terminal ng Victory Liner, may maliit na pondahan ng banana cue at turon. Sa bukana ng tindahan na hindi hihigit sa dalawang dipa ang lapad at luwang, maymahabang lutuan ng turon at banana cue. Nakapastong ditto ang isang kusinilya at nagtambak ang mga dahon ng saging at piling-piling na binalatang saging na saba. Hindi kailangang makita o maaninag ng manonood ang mga ito sa pagsisimula ng dula. May gaserang ilawan sa isang tabi. Nakaupo sa harap ng pondahan ang matabang matanda. Maaaring may mga taong nagdaraan sa harapan, pero walang pumapansin sa kanya.
Gabi na.
Sa simula, tila wala sa sariling nilalapirot ng LOLA ang isang maliit, parihabang tuwalyang puti, na halos kulay-libag na sa pawis at alikabok; habang panay ang pahid niya sahumuhulas na pawis sa mukha’t leeg. Kausap ang manonood.
LOLA:
Wala pa ba? (Hawak ang gasera, sisilip siya sa magkabilang tabi.) Lintek! ang tagal naman. Sibsib na ang dilim a. Sigurado namang me nagreport na sa kanila.
Me nalilihim ba sa Maynila? Lalo dito sa kahabaan ng Recto. Dito pa sa terminal! Kahit kulay at amoy ng utot mo, ke gumagapang pa ‘yan o nagririnyego; siguradong bistado ng lahat, mula Avenida hanggang simbahan ng Santa Cruz.
E wala naman akong balak magtago. Ano, bale? Hindi naman ako naghahanap ng sakit ng ulo ni katawan. Mamaya tugisin pa ako ng mga parak. E di natelebisyon pa ako. Mas malaking iskandalo, ‘pag nagkataon!
Gaya nung tarantadong umakyat diyan sa poste ng koryente sa may Quezon Blvd.
Unti-unting liliwanag ang entablado. Makikita natin ang isang LALAKI na tumatawid sa mga kawad ng koryente. Halatang kinakabahan o natatakot.
From panitikan.com.ph
Isang Dakilang Mamayan ng Republika/Rene O. Villanueva
2/9
O weno? E di pinagpistahan siya ng mga usyoso. Kaya iniligpit ko ang mga paninda ko para makiusyoso. Ay, mali! Dinala ko pala ang mga paninda ko, at doon ako sa mismong tapat niya naglako ng turon at banana cue. ‘Daming tao e!
Tatayo ang LOLA. May dalang basket na pupunta sa tapat ng LALAKI tumatawid sa mga kawad ng koryente. Lilinga-linga na parang sinisino ang mga mamimili habang pasigaw-sigaw ng kanyang inilalako.
Turon! Turon! Bagong luto, may langka! Banana cue kayo riyan! (Titingala at mapapapalatak.)
Siyempre, hindi tuloy nakatalon-talon ‘yung gago. Nalito sa sobrang dami ng matang nakatutok sa kanya. Nahiya siguro sa dami ng bungangang nang-uudyok sa kanya. (Sisigaw.) “Tarantado, talon!”
Isa-isang darami ang mga usyoso. May istambay. May galing sa opisina. May makikisigaw. Lahat ay nakatingala. Makakarating sa dulo ang LALAKI, tatalungko.
Kung ano-ano ang isinisigaw ng mga usisero para tuluyang tumalon ang tarantado:
(Sisigaw ang LOLA na tila iba-ibang tao ang humihiyaw.)
“Ano pang hinihintay mo? ‘Yung mga kamera? Si Mike Enriquez?”
“Hindi na darating ‘yon! Nasapawan ka ng coup!”
“Me malaking rali sa Mendiola, tanga!”
“Siyempre, uunahin nilang tutukan ang Malacanang.”
“Lundag na!”
“Talon!” (Papalakpak.) Pero hindi nakatalon ang tarantado, hanggang sa halos maging sindami na ang mga usyoso ng tao kung pista ng Nazareno. Hanggang sa abutan na siya ng ambon.
Itatalukbong ng LALAKI ang dalawang kamay sa kanyang ulo. Saka magsisimula uling tumawid sa kawead ng koryente.
Hanggang sa magdatingan na nga ‘yung mga taga-radyo at telebisyon. E di lalong nangatog ang gago. Lalong napahiya ang walanghiya! Talagang hindi mo magagawang magpakamatay kung halos ang buong Maynila ang nakatingala at naghihintay sa paglundag mo.
Sigurado merong pang nagdarasal na madulas ka sana, para sulit naman ang pamimitig ng leeg nila. Walang puso ang mga tao e. Kaya hindi ako naniniwalang talagang magpapakamatay ‘yung gago. Kung magpapakamatay ka, magpapakahirap ka pa bang umakyat sa poste ng koryente? Ang kamatayan,
From panitikan.com.ph
Isang Dakilang Mamayan ng Republika/Rene O. Villanueva
3/9
kailangang madali. Hindi pinagtatagal, para walang hirap. – Turon! Turon! Banana cue, bagong luto!
Maninimbang ka pa ba sa mga kable? Kung magpapakamatay ka, bakit do’n pa? Mas madaling lumundag sa overpass, di ba? Semento din naman ang babagsakan mo. Kung hindi mabagok ang ulo mo sa semento, tiyak na wala kang ligtas sa mga dumarating na sasakyan. (Hahagikhik.) Pero … hindi rin nga pala; dahil wala sa tiyempo ang pag-akyat sa poste ng tarantado.Hapon na. Paano kang lulundag sa oras na ‘yon, e hapon na nga? Di hindi ka nga masasagasaan! Kapag gano’ng oras, mas mabagal pa sa pagong ang usad ng mga sasakyan. Hindi ka rin puwedeng mabagok sa semento. Wala kang puwang na makikita sa sobrang dami ng dikit-dikit na sasakyan. Bamper to bamper! (Hahalakhak.) Pinakamasuwerte na ‘yung bumagsak ka sa salamin sa harap ng isang sasakyan.- Turon! May langka, mainit pa! - Puwedeng madurog ‘yung salamin at matusok ka ng matutulis at matatalim na bubog. ‘Yon e kung masasalalak ka.
Pero dahil yayatot-yatot, singnipis ng istik ng banana cue ang parilya ng gusgusing tarantado, mabuti kung lumusot siya sa salamin! Baka damputin lang siya sa kandungan ng drayber o pasahero sa unahan. E di ba mas napakalaking malas naman! Hayun, nakumbinsi ring bumaba ng mga pulis. Sayang! ‘Buti na lang naubos ang turon ko.
Isang pulis ang aakyat sa hagdan ng bumbero at aabutin ang kamay ng lALAKI. Bababa ang LALAKI. Saglit na magdidilim. May kukuha sa roller sa puwesto habang malilinis ang ag-aalisan ang mga usyoso.
Babalik si LOLA sa tindahan niya.Muling uupo at hahawakan ang gasera. Palinga-linga.
Kaya plis, plis lang … Pakiabatan nga ninyo ‘yung mga parak ‘pag dumating. Sandali na lang. Baka makalingatan ko at hindi mapansin. Magliligpit-ligpit muna ‘ko.
Tatayo para magligpit, pagkuwan ay magbabago ang isip. Babalik sa pagkakaupo.
Sabagay hindi naman ako aalis dito. Wala naman akong gagawin. Wala akong pupuntahan. Sa loob ng halos dalawampung taon mula nang mabili ko kay Tandang Kanor ang puwestong ito nandito lang ako lagi. Mula madaling araw. Ni hindi pa sumisikat ang araw, ni hindi pa nakapaghihilamos ‘yung dispatcher diyan sa Victory.
Maririnig ang ingay ng mga bus sa terminal habang inaayos ang puwesto. Aalis at LOLA, pagbalik may bitbit na piling-piling na saging na saba.
From panitikan.com.ph
Isang Dakilang Mamayan ng Republika/Rene O. Villanueva
4/9
Tuloy-tuloy ‘yong busina, ungol ng makina hanggang hatinggabi, matapos linisin at igarahe ang pinakahuling bus na galing sa Baguio o Bataan, narito lang ako sa tapat ng terminal.
Magbabalat ng mga saging. Bobombahin ang kusinilya. Maghahanda sa pagluluto ng turon at banana cue.
Nagbabalat ng saba. Nagbobomba ng kalan para maisalang ang kawali. Nagpapainit ng Minola. Nagbubuhos ng kalahating kilong asukal na pula sa mainit na mainit, halos kumukulong cooking oil. Hanggang sa mag-arnibal ang asukal. Hanggang sa maglubid-lubid ang arnibal na pula. Saka ko ibubuhos isa-isa ang piraso ng saba. Saka ko hahaluin ko nang hahaluin ang arnibal para bumalot sa bawat piraso ng saging. Kapag naluto, hahanguin kong lahat sa planggana. Bahagyang palalamigin. Saka tuhuging tatlo-tatlo sa istik na kawayan, Sa matulis, makinis na istik ng kawayan …
Isa o dalawang MANGGAGAWA ang bibili ng turon. Kakainin ang binili sa puwesto.Makaraang makakain, aalis ang dalawa.
MANGGAGAWA 1:
‘La, me luto ka na?
MANGGAGAWA 2:
Lumiliit yata ang saging n’yo ‘La.
LOLA:
Bakit? Kaninong saging ba ang hindi lumiliit? Kung ayaw mo, mag-Jolibee ka! -
At may malalantakan na kahit sinong humihilab ang tiyan. Ayaw n’yo pa ba no’n, sa halagang limang piso, makakaraos na kayo? (Muling mauupo.)
Kaso, kahit anong sikap ang gawin ko, kahit anong sipag, mula noong mabili ko ang puwestong ito kay Tandang Kanor, hindi ako makaraos. Panahon pa ni Marcos ‘yon!
Tuwing magbabago ang administrasyon, umaasa kaming bubuti ang buhay kahit paano, kahit katiting. Pero nagdaan si Marcos, si Cory, si Ramos, si Erap, hanggang sa tukayo ko, gano’n pa rin. Konting mabusog, problema na naman kung saan dudukot ng susunod na isusubo.
Ganon nang ganon; kahit bago pa maging presidente si Marcos, gano’n na.
Hindi nga lang dito ang puwesto ko noon. Sa tirahan namin sa may Gastambide, malapit sa eskwelahan. Katulong ko pa si Elsa, ang panganay ko …
LOLA:
From panitikan.com.ph
Isang Dakilang Mamayan ng Republika/Rene O. Villanueva
5/9
Kung saan-saan ka na naman siguro dumaan, ano? Ba’t tanghali ka na?
ELSA:
Me pinagawa pong project ‘yung adviser namin e.
LOLA:
Sige, balutin mo na ‘yang mga turon. Mayamaya lang may maghahanap na riyan.
LOLA:
Pangarap ko sanang maging titser si Elsa. Pero hayun, sa tarantadong kapitbahay lang namin bumagsak.
LOLA:
Kaso, hindi lang matigas ang buto no’ng Erning na ‘yon; yayatot-yatot e saksakan ng kati. Sabi ko na kasi sa anak ko, ‘wag mong patulan ‘yan. May mukha nga, pero libag lang sa uten ang kayamanan. Makati pa sa gabi, maniwala kayo!
LOLA:
Kabi-kabila ang kabit. Me weytres, me modista, pumatol pa pati sa tisika na nasa Saudi ang asawa. Sabi ako nang sabi kay Elsa na mag-iingat siya, dahil baka kamukat-mukat e uubo-ubo na rin siya at kapag dumura e meron nang kimpal-kimpal na dugo. Pero alam n’yo ‘yang anak ko, kundi saksakan ng bingi, saksakan ng tanga o saksakan ng tigas ang bao! Wala pang sambuwang pinayagan ko siyang tumao sa pondahan, ayun, nasungkit na ni Payayot. Sanlinggong dinala sa Laguna, nang bumalik buntis na. Naku! Maisusumpa mo talaga kahit me Santo Kristo ka sa dibdib! At hindi pa nagkasya na magkaasawa ng batugan.
Sampu! Sampung sunod-sunod ang pagbubuntis.
Isip mo, mga namamanata sa Nazareno kung gumawa ng bata. Buti na lang at sa sampung apo kong iniluwal sa Dr. Reyes, anim lang ang nabuhay. At sa anim, tatlo naman ang tinamaan ng peste. ‘Yung dalawa e tinigdas o tinamaan yata ng brongkitis kaya bago pa magtatlong taon e salamat-sa-Diyos, natepok agad. Bakit naman kayo napa-Susmaryosep? Dib a talaga naming mas masuwerte sila kung tutuusin? Maikling panahon lang ang tiniis na hirap, e ako? Ni parehong hindi pa nga nakakalakad nang matatag ang dalawa; ‘yon naman lalaki, nasilat sa manhole, minsang malakas ang ulan. Sabi ko na kasi, huwag pinalalabas ang bata sa gabi, ang titigas ng kukote! Nagmamarakulyo pa kapag sinasabihan, kaya hayun, sabi ng kapitbahay na huling nakakita, nadupilas sa manhole na me nakatusok lang na bakal. Baha na kasi, hindi siguro napansin ng bata ‘yung bakal na nakatusok sa butas.
From panitikan.com.ph
Isang Dakilang Mamayan ng Republika/Rene O. Villanueva
6/9
Ano naman ang maaasahan ninyo sa batang lilimang taon? Lalo kung nakatakas lang para maglaro. Siyempre, nagtatampisaw ‘yon sa tubig. Iisipin pa ba no’n kung ang tinatapakan niya’y me disgrasyang naghihintay? Hayun, kinabukasan na napulot sa dulo ng imburnal.
Akala n’yo ba porke tatlo lang ang mga anak nila e bumuti-buti sila? Hesus! (Luluhod saka nakadipang lalakad nang paluhod sa palibot ng tindahan.)
Panguinoon! Kung hindi ka pa nagsasawang tumunghay sa suson-susong kamalasan namin, di sana’y hindi mo hinayaan ang lahat nang ito?
Ano ba’ng problema? Lingo-lingo naman akong nagsisimba. Kung Pista ng Quiapo, oo nga at hindi ako nakikihila sa ipinuprusisyong Poong Nazareno. Nakikipunas lang ako ng panyo sa mga paa ng Mahal na Hesuskristo; pero hindi ako pumapalya, kahit anong lagay ko, sa unang misa sa araw ng pista, kahit saksakan ang dami ng tao sa loob ng simbahan. Bukod sa lagi kong hinihintay ko ang pagdaraan sa gabi ng prusisyon, ha!
Sa dulo ng tanghalan, lalabas ang NAZARENO na may pasan-pasang krus hanggang sa tuluyang lumabas.
LOLA:
Nagsasakripisyo nga ako sa paghihintay sa mga deboto mo, baka akala mo? O di ba, ‘pag Pista ng Quiapo, mga alas-kuwatro pa lang tumitigil na akong magluto ng turon at bababana cue. Baka sabihin mo naman, puro pagkita na lamang ng pera ang nasa tuktok ko. Kahit natitiyak kong mabiling-mabili ang turon at banana cue sa oras na ‘yon. Alam mo bang ‘yon ang paraan ng pagtitika ko para sa iyo, Mahal na Nazareno, para kapag dumaaan ang prusisyon, walang laman ang isip ko kundi sana ay matanaw ang Poon, na tulad naming ay nakabayubay sa krus. Hinuhubad ko ang aking delantar at tinitipon ang lahat ng barya ko’t perang papel sa isang boteng plastik, para maluwag akong makatayo sa gilid ng daan, hindi nag-aalalang baka ako madukutan o masalisihan ng mga mapagsamantala; para maluwag akong makakaway sa Kanya, sa Nazarenong nasa itaas ng platapormang kinukuyog ng mga nagmamamakaawang sindami ng langgam. Kuyog ng mga langgam, gaya ng mga mumo ng namuong arnibal, na natapon sa lupa!
Hindi pa ba sapat na sakripisyo ‘yon? Alam n’yo ba kung magkano ang kitang nawawala sa akin sa pag-aantabay sa prusisyon? Halos dos siyentos pesos din, Mahal na Poong Nazareno!
Pero naiintindihan ko, kahit hindi mo kami iniibsan ng bigat. Kahit natutunghayan mo, ngunit hindi pinapatid ang lubid-lubid naming hirap. Lubhang marami kang inaalala. Ako man ang nasa lagay mo, matuturete rin ako sa dami ng nagsusumamo sa iyo. Saka sabi mo nga, hindi laging dapat naming iasa ang lahat sa iyo. Malapit man ang Quiapo, masyadong malayo ang langit
From panitikan.com.ph
Isang Dakilang Mamayan ng Republika/Rene O. Villanueva
7/9
para sa aming mga daing. Pero sino’ng aasahan naming mag-aangat at hahango sa amin sa aming kapalaran? Ang gobyerno? Mas malayo sa Quiapot ang Malakanyang. Asa kami nang asa sa tuwing magpapalit ng presidente. Asa kami ng asa sa mga bagong pangako. Bababa ang presyo ng galunggong. Tataas ang kita. Minsan nangyayari, pansamantala; pero di-magtatagal, balik uli sa dati ang lahat. Balik sa lagpas-ngusong tubig ng hirap. Kaya wala na kaming ginawa kundi ang suminghap-singhap. Kaya nagpapasalamat na rin ako sa iyo, Mahal na Poon. Mapalad kaming biniyayaan mo ng dalawang malalakas na braso. Patunay ang mga bisig na ito, na hindi mo ako pinababayaan dahil binigyan mo ako mga kamay, para huwag nang umasa sa iba, para tubusin ang aming mga sarili.Para makakawag-kawag upang manatiling nakalulutang sa malawak na dagat ng buhay.
Maglalatag ng patung-patong na diyaryo si LOLA sa lupa, mahihiga.
Kahit sisinghap-singhap. Kahit mahigit sitenta anyos na ako, at ang totoo’y hapo na. At ang talagang gusto ko’y umidlip kahit man lang isang oras lang tuwing hapon, sa halip na magtalop ng bunton-buntong piling ng saging na saba, at masalab sa init ng apoy ng kalan at kumukulong mantika. Naniniwala ako - mapalad ako. Mapalad kami!
Mayroong mga taong walang paa. May mga tigmak sa sakit kaya di-nakakilos at makapaghanap-buhay. May mga naputulan ng braso; may kulang-kulang ang daliri; ang iba’y dahil sa walang kabagay-bagay na dahilan. Pero ako, ang iyong pinagpalang si Lola Goya; sa kabila ng walang katapusang paghilab ng mga taon ay hindi mo hinayaang mapigtaan ng lakas. Malalakas pa rin ang aking mga bisig. Salamat, Panginoon!
Kaya lang, di mo naman siguro ikagagalit kung aamining kong paminsan-minsan, naiisip kong nang wisikan mo ako ng grasya, sana’y nilubos-lubos mo na. O kahit idinawit mo na rin sa grasyang basbas mo sa akin ang kaisa-isa kong anak na Elsa. Si Elsa ko na pinagsikapang huwag matulad sa akin sa masadlak ang buong buhay sa pagtatalop ng saging na saba at patutuhog ng banana cue. Hindi na baleng hindi ko siya napagtapos na high school kaya hindi siya naging titser (tanggap ko namang medyo bopol ang anak kong iyon); hindi baleng hindi mo siya inagaw sa kamay ng Erning na ‘yon (matigas talaga ang uilo ng batang ‘yan; kaya kahit anong pangaral labas-masok lang sa tenga). Pero sana (masama bang isipin, Diyos ko?) na nang kinuha mo ang tatlong anak nila, bakit hindi mo pa nilubos at kinuhang lahat?
Bakit may tatlo ka pang itinira?
Hindi. Huwag po ninyong isiping sinasabi ko ito para usigin kayo. Hindi ko kayo sinisisi. Kita naman ninyo, ano bang ginawa ko nang maghiwalay si Elsa
From panitikan.com.ph
Isang Dakilang Mamayan ng Republika/Rene O. Villanueva
8/9
at ang asawa niyang si Erning? Nang iwanan ng anak ko ang tatlong nilang anak sa poder ko? Kahit lagpas ng sitenta ang edad ko, at walang sinomang katuwang sa buhay. Oo nga, namura ko si Elsa nang itambak ang tatlong bata sa bahay dahil hahanapin daw si Erning, pero tinanggap ko rin ang tatlo kong apo. Hindi lang sa naaawa ako at wala namang ibang mag-aaruga sa tatlong bata. Ang totoo, tuwing makikita ko ang aking mga apo, lalo ang bunsong si Edita, na kamukha-kamukha ng ina noong maliit pa, naiibsan ako ng pagod. At kahit tila lagging nilalagnat ang katawan ko at namimigat ang mga pang di ko na halos maihakbang gustiog-gusto kong haplusin ang kulot na buhok ng pinakabunso kong apo, ng aking apo na magtatatlong taon, at hindi pa nakatatayo nang matatag, ni hindi pa nga nakapagsasalita nang diretso. Pautal-utal lang; pero tuwing darating ako ay sinasalubong ako ng “Yoya, Yoya.”
At totoong luwalhati ang mga salitang iyon para sa akin. Kaya kahit humuhulas ako sa pawis, kakargahin ko ang bunso kong apo. At ilalapat ko ang ulo niya na tila nakapatong sa laging nanlalambot na leeg (kaya siya madalas tinutuksong Engot ng mga walang pusong kapitbahay namin). At hahaplusin ko ang ulo niya at likuran, hanggang sa humimlay siya sa malapad, nagmamantika, ngunit amoy-arnibal kong dibdib.
Si Edita, ang bunso kong apong si Edita. Ang sakitin kong apo.
Magdadalawang lingo na siyang paulit-ulit na inuubo at nilalagnat. Madalas ko namang pinaiinom ng am. Binabanyusan ng malamig na tubig para bumaba ang lagnat. Hinihilot ko ng manzanilla, o ng Minola na may dinikdik na luya, ang katawan at mga biyas, gabi-gabi bago matulog. Pero lagi pa ring nilalagnat. Minsa’y mainit na mainit, parang sinisilaban ang buong katawan. Kaya magdamag na ingit nang ingit. Kahit ipaghele ko. Kahit yugyugin habang karga ko. Kahit kantahan pa ng pampatulog. “Ili-ili, tulog anay; wala diri imo nanay …”
Pero ingit pa rin nang ingit, anoman ang gawin ko. Hanggang sa hindi ko na magawang iwanan sa bahay, dahil sino ang mag-aasikaso sa kanya? Ni hindi ko naman alam kung saan hahagilapin ang ina niya. Wala akong kahit kapirasong balita kay Elsa. Nasaan na kaya ang batang iyon?
Kaya kahit malaking istorbo si Edita sa pagtitinda ko, napilitan ako isama siya sa puwesto. Kahit na dahil sa kanya ay malaki ang ibinagal ng kilos ko at malaki ang nawala sa araw-araw na kita ko. Paano ako makapagtatrabaho nang maayos samantalang may ingit nang ingit sa tabi ko. Kahit pasusuhin ko ng am, na minsa’y hinahaluan ko ng pulang asukal para tumamis o kaunting asin para maiba ang lasa. Ingit nang ingit. Kung medyo malakas-lakas at hindi gaanong mataas ang lagnat, wala namang nasasabi kundi “Yoya, Yoya.” Hindi rin siya umiiyak kahit anong taas ng lagnat.. O baka sa sobrang hina niya, ni hindi na makuha ng mga mata niya ang umiyak. Ingit lang nang ingit. Alam kong dapat noon ko pa siya dinala sa ospital. Pero kailangan ng pera ‘pag dinala ang maysakit sa ospital; ‘pag niresetahan ng gamot … Pero, nasaan ang pera?
From panitikan.com.ph
Isang Dakilang Mamayan ng Republika/Rene O. Villanueva
9/9
Kaya pinagtiisan ko na lang kahit hindi ako makakilos nang maayos ‘pag kasama siya. Hindi ako makapagtalop ng saging nang tuloy-tuloy. Minsan, kumukulo na ‘yung mantika, hindi ko pa maibuhos ‘yung asukal. O lumamig na yung mga naipritong saging pero di ko pa rin sila maituhog sa istik. Minsan, may mga drayber o pasaherong bumibili pero hindi ko agad maasikaso.
Hanggang kaninang tanghali, nakasalang pa naman ‘yung mga turon. Biglang umiyak. Sabi ko “Sandali lang apo. Teka, hahanguin ko lang ang turon.Madaling masunong ‘yung wrapper ng lumpia e. ‘Pag nasunog e malaki ang malulugi sa atin.” At hinango ko nga ang mga turon, hinango ko at inilagay sa planggana. Saka isa-isa pinagpatong-patong sa bilaong may saping dahon ng saging para maihanda sa pagbebenta. Nang makita ko ang bunso kong apo, tumitirik ba naman ang mata! Diyos ko po, Panginoon! Nang hawakan ko, nanlalamig ang buo niyang katawan. Ano’ng gagawin ko? Hindi ko naman maisusugod sa ospital. Pa’no ko iiwanan ang tindahan? Diyos ko, Diyos ko! Mabilis akong nag-apuhap ng solusyon. Walang aasahan kundi ang sariling mga kamay, Panginoon!
Hinawakan ko siya sa dalawang paa. Hinablot sa higaan ng pinagsapin-saping dahon ng saging, na sinapnan ko ng maruming daster. Hinawakan ko siya sa dalawang paa saka inihampas ang ulo sa gilid ng daan, sa sementadong gilid ng daan.
Ni hindi ko narinig na umingit ang apo ko. Wala, kahit munting pagibik … Sigurado akong may nakakita o nakapansin. Sa dami ba naman ng nagdaraan?
Tiyak, darating ang mga pulis. Kundi magmilagro at mismong ang Nazareno ang sumundo sa akin ….
Makaraan ang ilang sandali, sisilbato ang sirena mula sa sasakyan ng mga pulis at isang puting liwanag ang tututok sa tindahan at kay LOLA.
Tatayo siya, pasalubong sa liwanag habang hawak ang nanlilimahid na puting tuwalya parang ihinahaplos sa di natin nakikitang Poon.
Saka pupulutin sa bandang likuran,at kakargahin, yayapusin ang bangkay ng batang tatatlong taon, basag ang bungo, at naliligo sa natuyong dugo.
TELON
Enero 26, 2006.
First Draft

Si Nigang

U Z. Eliserio
Filipino

Synopsis

Ang dulang ito ay tungkol sa pag-ibig, panggagahasa at sinigang. Literal na tungkol sa pag-ibig, panggagagahasa at sinigang, ang mga bida'y nagngangalang Pag-ibig, Boy Rapist, Serial Rapist at Nigang. Isang bayan sa Bicol ang lulan ng kwento, bayang biktima ng tagutom. Anak si Nigang ni Manong Carinderia, ang may-ari ng tanging bukas na carinderia sa bayan, na sa ubod ng mahal ng binebentang pagkain ay walang tumatangkilik. Iniibig ni Nigang ang maginoong si Jesus, ngunit haharang sa kanilang pagmamahalan ang mayamang si Boy Rapist, na kinokontra si Manong Carinderia na ipagpalit si Nigang para sa pera.

MGA TAUHAN:

NIGANG, 19, Matabang babae

BOY RAPIST, 42, Manliligaw ni Nigang

MANONG CARINDERIA, 58, Ama ni Nigang

SERIAL RAPIST, 25, Kapatid ni Boy Rapist

JESUS, 33, Manliligaw ni Nigang

PAG-IBIG, 53, Lover ni Jesus

SEX, 50, Kapatid ni Pag-ibig

ILUSYON, 30, Kaibigang matalik ni Sex

PANAHON AT TAGPUAN: 

Kasalukuyan.  Sa isang bayang dumaranas ng taggutom.

       Isang carinderia.  May mesang may dalawang kaldero.  May tatlong upuan.  Nakatayo si Nigang at ang tatay niyang si Manong Carinderia sa likod ng mesa.  Sina Boy Rapist, Serial Rapist, Pag-ibig, Sex at Ilusyon ay nakaupo kasama ng mga nanonood.

BOY RAPIST (Tatayo.): Jesus, tulungan mo ako!

JESUS (Papasok sa carinderia.  Tatayo sa gitna.): Narito ako.

BOY RAPIST (Luluhod.): May problema ako, Jesus.

JESUS (Titingin sa relo.): Merong kang dalawang minuto, sige kwento.

BOY RAPIST: A, e, para maliwanag sa simula pa lang, gusto kong ipaalam sa 'yong 'di ako naniniwala sa 'yo.

JESUS: Yagay, a.  Ba't mo 'ko kinakausap?

BOY RAPIST: Kaya nga patunay na ganoon kagrabe 'yung problema ko e.

JESUS (Sa mga nanonood sasabihin.): Hindot na bata 'to o.

BOY RAPIST: Po?

JESUS: A, wala.  Ano ba 'yang problema mo?

BOY RAPIST: Meron kasing babae..

JESUS: 'Sus, 'yun lang pala.  Hormones lang 'yan.

BOY RAPIST: Anna ang pangalan n'ya..

JESUS: Meron akong mga VHS tapes na makakatulong sa 'yo.  Traci Lords!  Hubba, hubba!

BOY RAPIST: Gusto ko talaga s'ya at..

JESUS: Kung 'di nun masagot ang problema mo sa libog, meron akong kakilalang lalake sa Ermita.  Alam mo na, bugaw.  

BOY RAPIST: At (Pasigaw.) kaibigan ko s'ya!

JESUS: Tinding mamblojab ng mga baba-kaibigan?

BOY RAPIST: Oo.  Pero, nililigawan ko s'ya.

JESUS: O, libido nga.

BOY RAPIST: Ano ba?  Makinig ka nga.  Hindi sekswal ang kalikasan ng pagnanasa ko sa kanya.

JESUS (Pasigaw.): Ulol!

BOY RAPIST: Putang-ina, maniwala ka naman.  Ikaw na lang ang pag-asa ko, gaganyanin mo pa 'ko.

JESUS: Pero nagsisinungaling ka sa 'kin.

BOY RAPIST (Tatayo.  Magdadabog.): Leche ka, kalimutan mo na nga.  Mag-usap na lang tayo 'pag patay na ako.

JESUS: Uy, nagalit.

BOY RAPIST (Uupong muli.) Si Satanas siguro makikinig.

JESUS: Oo, pero maniningil.  (Patlang.) Ito naman o, nakikinig ako.  Libre pa'ng advice.

BOY RAPIST (Luludod muli.): Well, katulad nga ng sinabi ko:  kaibigan ko si Anna at gustong-gusto ko s'ya-

JESUS: Bakit?

BOY RAPSIT: Ha?

JESUS: Bakit mo s'ya kaibigan, at bakit mo s'ya gustong-gusto?

BOY RAPIST (Matagal bago sumagot.): Kaibigan ko s'ya dahil pinakitaan n'ya ako ng kabaitan.

JESUS (Sarkastiko): Kabaitan?

BOY RAPIST (Matagal bago sumagot.):  Itinuring n'ya akong parang tao, at sinulatan ng mga sulat na-mabait.

JESUS: Loser ka nung hayskul.

BOY RAPIST: Ano?  Hindi!

JESUS: Hindi 'yon tanong.

BOY RAPIST: Salbahe ka.

JESUS: Hindi, Diyos ako.  Ngayon, balik sa problema mo.  Sabi mo kaibigan mo s'ya.  Kaibigan ka ba n'ya?

BOY RAPIST: Oo naman.

JESUS: Sigurado ka?

BOY RAPIST: Um, e, sabi n'ya, simula raw nang manligaw ako, tumigil na ang pagkakaibigan namin.

JESUS: Balik tayo dun.  Bakit mo nga ba s'ya niligawan?

BOY RAPIST: Bakit ba nanliligaw ang mga lalake sa babae?

JESUS (Nagpapatawa.):  Para sa sex?

            Hindi sasagot si Boy Rapist.

JESUS:  Bakit ba nanliligaw ang mga lalake sa babae?  Ikaw ang magsabi sa 'kin.  'Di pa naman ako nakakapanligaw.

BOY RAPIST: Kasi.

JESUS: Ano?

BOY RAPIST: Kasi, kasi I was in love with her.

JESUS: Was?

BOY RAPIST: I was in love with her kaya ko s'ya niligawan, I am in love with her kaya ako may problema.

JESUS: Sige, tuloy.  Anong problema?

BOY RAPIST: Nililigawan ko s'ya, pero ayaw n'ya akong sagutin.

JESUS: Alangan namang pilitin mo s'ya.  Humanap ka na lang ng iba.

BOY RAPIST: Hindi 'yon ganung kadali.  Lagi s'yang nasa isip ko at 'di maalis. 

JESUS: E kaso nga, ayaw n'ya sa'yo.  Ayaw ka n'yang sagutin.

BOY RAPIST: Pero merong mga sandaling pakiramdam ko'y may pagtingin na rin s'ya sa 'kin.  Wala bang kwenta 'yon?

JESUS: Wala.

BOY RAPIST: Kahit konti?

JESUS: Wala.

BOY RAPIST: Pero walang ibig sabihin ang buhay kung wala s'ya.

JESUS: Hmm..  Sinabi mo rin 'yan tungkol kay Janice.

BOY RAPIST: Ha?  Hindi 'no.  Laki-joga lang si Janice.  Si Anna kung bumasa ng tula parang-parang Diyos.

JESUS: Pare-pareho lang 'yan.  Laki-joga, Diyos-sa-pagbasa-ng-tula.  Pwede kang mabuhay nang wala ang mga 'yon.

            Iiyak si Boy Rapist.

JESUS: O, naku naman o.

BOY RAPIST: Gusto ko nang mamatay.

JESUS: Sus, narinig ko na 'yan.  Bawat buwan naiinlab ka, bawat buwan nababasted ka, kaya bawat buwan gusto mong mamatay.

BOY RAPIST: Hoy!  FYI second year high school pa lang gusto ko nang mamatay.  May problema ako sa pamilya.

JESUS (Bababa papunta lugar kung saan nakaupo ang mga nanonood, yayakapin si Boy Rapist.) Okay fine whatever.  Ano nga ba'ng pangalan mo ulit?

BOY RAPIST: Boy Rapist.

JESUS (Pabulong.) Pusang-inang pangalan 'yan.  (Normal na boses muli.) Alam mo, Boy Rapist, maraming babae d'yan.

BOY RAPIST: Pero iisa lang si Anna.

JESUS: Oo, alam ko.  Alam ko'ng nararamdaman mo.

BOY RAPIST: Hindi naman e.  'Di ka pa naman nakakapanligaw, at 'di ka pa nababasted.

            Matatahimik si Jesus.  Tatanga.  Matagal na mag-iisip.

JESUS: Oo, totoo.  'Di pa 'ko nakakapanligaw-

BOY RAPIST: O, pa'no mo 'ko maiintindihan?

JESUS: Pero ilang milyon na ang nambasted sa 'kin. 

BOY RAPIST: Milyon?

JESUS: Agnostics.  Atheists.  Satanists.

            Hahagulgol si Boy Rapist.

JESUS: Masakit 'pag 'di ka mahal ng mahal mo.  Pero kailangan mong sumulong.

BOY RAPIST: Sumulong?

JESUS: Oo, sumulong.  Ang buhay parang pagsakay sa dyipni.  Ang importante'y 'yung patutunguhan. 

BOY RAPIST: Paano kung masikip?

JESUS: Tiisin mo kahit masikip.  Malay mo, sa susunod na kanto, lumuwag na.

BOY RAPIST: Lumuwag?

JESUS: Oo, pag may bumaba.

BOY RAPIST: Bumaba?

JESUS: Bumaba, alam mo 'yon, mamatay.  Pagkatapos nun, okay na ang sakay.

BOY RAPIST: At ano naman ang pagmamahal?

JESUS: Pagmamahal?  Ang pagmamahal para ring pagsakay ng dyipni.

BOY RAPIST: Pagsakay din ng dyipni?

JESUS: Tiisin mo kahit masikip.  Malay mo, sa susunod na kantot, lumuwag na.

BOY RAPIST (Titigil sa pag-iyak.) Ang bastos n'yo naman Jesus.

JESUS: Ayan, napangiti rin kita.  Basta ngumiti ka lang.  Tandaan mo, lagi akong narito para sa 'yo. 

BOY RAPIST: Salamat.  (Magpapahid ng luha.  Yuyuko.)  Paumanhin at lagi kong sinasabing patay ka na.

JESUS (Babalik sa gitna ng carinderia.  Titingin sa relo.): Paumanhin at hindi ka na tinitigasan.

BOY RAPIST: Patawad lagi akong nagmumura.

JESUS: Patawad namatay ang 'yong ama.

BOY RAPIST: Sorry lagi akong nagbabasa at nanonood ng porno.

JESUS: Wag kang magsori, 'di 'yon kasalanan.  Sori naputol ang kalingkingan ng 'yong ina.  (Aalis ng carinderia.)

BOY RAPIST: Paumanhin 'di na ako nagdarasal.  Pakiramdam ko kasi minsan, parang ako lang ang kinakausap ko.  Pakiramdam ko walang nakikinig sa 'kin.

            Matagal na tahimik.

BOY RAPIST: Jesus?  (Iaangat ang ulo.  Tatayo.  Maghahanap, hahalughugin at guguluhin pati ang mga nanonood.  Pupunta pati sa carinderia.  Bababa at muling uupo kasama ang mga manonood.  Titingin sa relo.)  Putang-ina naman o.  Ubos na'ng dalawang minuto.  (Uupo.)

MANONG CARINDERIA (May hawak na sandok, nagluluto.): Kailangang magmadali tayo Nigang, anak, marahil maraming bibili ngayong araw.

NIGANG (Pasigaw, masungit na masungit, nanduduro.): He!  Para kayong sira-ulo ama.  Alam n'yo namang walang makakakaya sa presyo ng ating pagkain.  Walang kwenta ang magbukas pa ng carinderia!  Tayo lang ang makakakain ngayong araw.  Mamamatay ang ating mga kababayan.  Hindi sa may pakialam ako sa kanila.  Nakakainis na lang kasing pakinggan ang inyong kalokohan.

MANONG CARINDERIA (Hihikbi.): O anak ko, Nigang.  Ang ganda-ganda mo pero ang sungit-sungit mo.

            Pupunta si Nigang sa gitna ng carinderia at astang-model na ipagmamalaki ang kagandahan.  Tapos ay babalik s'ya sa likod ng mesa, at kukuha ng isang plato.

MANONG CARINDERIA (Unti-unting aatras.): Naging masungit ka simula nang mamatay ang iyong ina.

NIGANG: Peste kayong matanda.  Hindi ako masungit!  Hindi!  Maganda ako.  Iyon lang! 

            Aalis carinderia si Manong Carinderia.

NIGANG (Magkakamay habang kumakain.  Kakausapin niya ang kanyang sarili.):  Pero totoo.  Totoo, napakasungit ko nga.  Pero kung alam mo lang Ama ang dahilan.  Dalaga na ako.  Naaakit sa akin ang lahat ng lalaki sa bayan natin.  Ang kaso, hindi ako pwedeng mag-asawa.  Dahil walang mag-aalaga sa inyo!  Habambuhay akong taga-hugas ng pinggan.  Masungit ako dahil wala na si Ina, s'ya dapat ang inyong kasama!  Lagi ko siyang naalala kapag kinakain ko ang mahal nating putahe.  Ama, bakit hindi pa ba kayo mamatay?  Para ako naman ay magkaroon ng lalaki sa aking buhay.  (Nganganga at tutunganga.)

            Papasok si Jesus sa carinderia, may dalang bulaklak at kutsilyo.  Tatayo si Nigang para lumapit sa kanya.

JESUS (Itututok ang kutsilyo sa dibdib ni Nigang.): Nigang, tanggapin mo ang bulaklak na ito. 

            Kukunin ni Nigang ang bulaklak.

JESUS: Sabi ko nga ba at hindi ka naman talaga masungit!  Sagutin mo na ako.  Magpakasal na tayo!

NIGANG: Hindi maaari.

JESUS: Kung hindi na magpapakasal sa akin, mas mabuti pang mamatay na lamang ako. (Ituturo ang kutsilyo sa dibdib.)  Mahal kita!

NIGANG: Mahal din kita, pero hindi ako maaaring magpakasal at sumama sa iyo.  Kailangan kong bantayan si Ama!

JESUS: Kung ganoon, paalam mahal. (Magsasaksak si Jesus, babagsak sa sahig.)

Iiyakan ni Nigang si Jesus, yayakapin n'ya bangkay nito.

NIGANG: Mahal!  Mahal kong Jesus. 

            Papasok si Manong Carinderia sa carinderia.

NIGANG (Biglang tatayo at titigil sa pagluha): Ama!

MANONG CARINDERIA: Ano ito?  Katawan ng lalaki?  Manliligaw mo?  Bakit siya rito natutulog?

NIGANG: Huwag mo akong distorbuhin tanda.  Wala akong pakialam sa bangkay na iyan.  (Aalis sa carinderia.)

MANONG CARINDERIA: Kung gayon, iluluto ko na lang ang bangkay na ito, katulad ng ginawa ko sa Ina ni Nigang.  Kung alam mo lang Nigang.  Nagpakamatay ang iyong Ina para may makain ka: ang kanyang bangkay.  Siya ang nagliligtas sa atin sa kagutuman.  Kaya mahal ang presyo ng pagkain natin, para walang makabili sa laman ng iyong Ina!  Ikaw lang may karapatang kumain sa kanya.  Pero ang isang ito (Ituturo si Jesus.), maaaring ibenta nang mura.  (Pupulutin ni Manong Carinderia ang kutsilyo't ipapatong sa mesa. Bubuhatin ni Manong Carinderia si Jesus.  Aalis sila sa carinderia.  Pupunta sila kung saan nakaupo ang mga nanonood.  Uupo sila.

            Babalik si Nigang sa carinderia.

NIGANG: O Jesus, o Jesus.  Ngayong wala ka, hindi na ako maaaring umibig muli.  Habambuhay na akong masungit.  Taga-hugas ng pinggan, sayang ang kagandahan!  (Yuyuko.)

            Babalik si Manong Carinderia sa carinderia, may dalang kaldero. 

MANONG CARINDERIA (Aakbayan si Nigang.): Sige na anak, ako muna ang magbabantay dito.   

            Hindi iimik si Nigang.

MANONG CARINDERIA (Itutulak si Nigang.)  Sige na, yawa.  Magsibak ka na ng kahoy sa likod-bahay.

            Walang imik na aalis si Nigang sa carinderia.  Papasok si Boy Rapist sa carinderia

BOY RAPIST: Magandang araw po.  May babae po ba rito?  Pahingi na rin ng pagkain. (Gagamitin ang pera bilang pamaypay.)  Kay init!  (Uupo.) 

MANONG CARINDERIA: Isa lang po ang babae rito, at hindi siya ipinagbibili.  Meron naman po kaming dalawang putahe, iyon na lang ang inyong kainin.

BOY RAPIST: O sige.  Ano ba iyang luto mo at magkano?

MANONG CARINDERIA (Tuturo sa isang kaldero): Ito po ay "Katawan ni Jesus," tatlong daan piso bawat piraso ng laman.  (Ituturo ang pangalawang kaldero) Ito naman po ay "Ina ni Nigang" tatlong libong piso bawat piraso ng laman.

BOY RAPIST: Ang mahal naman niyang "Ina ni Nigang"!  Masarap bang kainin?

MANONG CARINDERIA: Noong buhay pa po?  Oo!  Ngayong luto na, hindi gaano.  Susungit lang kayo kung kakainin ninyo siya.  Itong "Katawan ni Jesus" na lang ang kainin ninyo, mura na, masarap pa!

BOY RAPIST: Niloloko mo ako.  Sa babae at sa pagkain, kapag mas mahirap makuha, siguradong mas masarap!  Gusto ko iyong "Ina ni Nigang".  (Babatuhin niya ng pera si Manong Carinderia.)  Mayaman ako, kaya kong bumili nang maraming-marami.  (Tatawa.)  Bigyan mo ako ng isang pirasong laman!

MANONG CARINDERIA: Ayaw ko.  Umalis ka na!

BOY RAPIST: Loko kang matanda ka, ha! (Maglalabas ng baril.)

            Papasok si Nigang sa carinderia.

MANONG CARINDERIA: Nigang, tulong

NIGANG: Ama, ano ang nangyayari?  (Kukunin ni Nigang ang sandok para ipagtanggol si Manong Carinderia.  Magkakatitigan sila ni Boy Rapist.)

BOY RAPIST (Sa sarili.): Kay gandang babae.  Ang laki ng kanyang-bilbil!

NIGANG (Hahawak sa bilbil.  Sa sarili sasabihin.): Kay pangit na lalaki.  Pero mukhang mayaman!  (Kay Manong Carinderia.)  Hoy tanda, bakit ka nang-aaaway ng mambibili?  (Kay Boy Rapist.) At ikaw lalake, luko-luko ka ba?  Pumapatol sa matanda!  

BOY RAPIST (Itatago ang baril.): Ang matanda ang may kasalanan.

NIGANG: Ama naman!

MANONG CARINDERIA: Bakit ka kumakampi sa kanya, ako ang iyong ama!

NIGANG: Oo nga pala.  Lumayas ka sa aming carinderia!

BOY RAPIST (Magsasaboy ng tsokolate sa mesa.): Patawad!

            Kukuha si Nigang ng isang piraso at kakainin ito.

NIGANG: Ang sarap!  Hindi tulad ng benta namin sa carinderia.  Ang tamis nito, hindi tulad ng "Ina ni Nigang," mapakla iyon!

MANONG CARINDERIA (Kukunin ang sandok na hawak ni Nigang, susugod kay Boy Rapist.): Ginayuma mo ang aking anak!

            Tatakbo si Boy Rapist palayo.

NIGANG: Tigil tanda! 

            Titigil si Manong Carinderia.

NIGANG (Hahabulin si Boy Rapist, hahawakan ang braso nito.): Sige, pinapatawad ka na namin.  Umalis ka na, at kung may balak kang bumalik, kailangan may dala ka nitong muli.

BOY RAPIST: Tsokolate ang tawag diyan.  Matamis, para sa iyong maasim dahil sa sungit!  Oo, babalik ako.  (Aalis si Boy Rapist sa carinderia, babalik kung saan nakaupo ang mga nanonood.  Uupo.)

MANONG CARINDERIA: Bakit mo siya pinatawad?

            Hindi s'ya papansinin ni Nigang.  Uupo lang si Nigang sa mesa, magsisimulang kumain ng tsokolate.  Aalis si Manong Carinderia sa carinderia.

NIGANG: Mahal kong Jesus.  Dahil mahal kita sa 'yo lamang ako liligaya.  At di na muling iibig pa.  Pero napakasarap ng tsokolate na ito!  (Kakagat sa tsokolate.)  Marahil, kung papaasahin ko ang lalaking iyon, lagi lang niya akong bibigyan ng tsokolate.   (Tatayo.)

            Papasok si Manong Carinderia sa carinderia.

MANONG CARINDERIA: Gabi na, kumain na tayo.

NIGANG: Kumain na ako ng tsokolate.  Ayaw ko na iyang "Ina ni Nigang."

MANONG CARINDERIA (Kukuha ng sandok, ipapalo kay Nigang.): Nababaliw ka na bang bata ka?  Nagsakripisyo ang Ina mo para makain mo ang putaheng iyan!  Kumain ka!

NIGANG: Bakit ba laging kayo ang nagde-desisyon para sa akin?  Nawalan na nga ako ng minamahal dahil sa inyo.  Hindi ko na nga maaaring makasama si Jesus.  Ngayon, pati naman ba ang pagkain ko ay kokontrolin ninyo?  Sampung taon nang patay si Ina, sampung taon na ring "Ina ni Nigang" ang lagi kong pagkain, umaga tanghali gabi!  Anong klase kayong Ama!

MANONG CARINDERIA (Ingungudngod ang mukha ni Nigang sa kaldero.): Kumain ka!  Mahiya ka sa alaala ng iyong Ina!

            Uupo si Nigang sa harap ng plato, magkakamay habang kumakain, aalis si Manong Carinderia sa carinderia.

NIGANG (Tatayo, kukuha ng tsokolate.): Dahil sa iyo Ama, naging masungit ako.  Dahil sa iyo hindi na ako maaaring umibig.  Kayong mga lalake'y parating gumagawa ng mga sitwasyon para paliitin kaming mga babae.  Gaganti ako!  Hindi man sa iyo, makakaganti pa rin ako tulad mong lalaki!

            Papasok si Boy Rapist sa carinderia, kasama si Serial Rapist.  Iaabot ni Boy Rapist ang ilang kahon ng tsokolate na kukunin at bubuksan agad ni Nigang. 

BOY RAPIST: Hindi nga pala ako nagpakilala.  Ako si Boy Rapist.  Ito nga pala ang kapatid ko, si Serial Rapist.  

NIGANG (May lamang tsokolate ang bunganga.) Upo kayo, upo.

            Uupo ang tatlo.

BOY RAPIST: Nigang, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.  Gusto kitang pakasalan.  Magkano ka ba?

NIGANG: Nakapagtataka, bakit hindi ang Ama ko ang iyong tanungin tungkol sa aking presyo?

BOY RAPIST: Nakapag-aral kasi ako sa University of the Philippines.  Nakahalubilo ko ang mga feminista.  Naniniwala akong ang babae dapat ang magbigay ng presyo sa kanyang sarili.

NIGANG: Kamangha-mangha!

SERIAL RAPIST: Oo.  Kahit nga mismo ako ay nabibigla sa kalayaan ng kanyang mga ideya. (Hihimasin ni Serial Rapist ang braso ni Boy Rapist, maghahawakan sila ng kamay.)  Bukas s'ya sa lahat ng bagay, hindi lang feminismo.  Halimbawa, nagpapaturo s'ya aking magluto.  Kung 'di mo naitatanong, magaling akong chef, at-(Hindi matatapos ang sinasabi.)

NIGANG (Sisingit sa pagsasalita ni Serial Rapist.): Boy Rapist.  Ako ay isang babaeng hindi nabibili.

            Maghahawakan ng kamay sina Boy Rapist at Serial Rapist.  Sabay silang tatayo.

BOY RAPIST at SERIAL RAPIST: Mayroon bang ganun?

NIGANG: Ako.  Ang tanging malayang babae bayang ito, sa buong Pilipinas.  Sa mundo!

            Uupo sina Boy Rapist at Serial Rapist.

BOY RAPIST: Kung ganoon, ano ang kailangan kong gawin?  O sawi na ba ang aking pag-ibig?  (Haharap kay Serial Rapist).  Tara na.  Mag-inuman na lang tayo.

            Tatayo ang dalawa, magkaholding hands, akmang aalis.

NIGANG: Sandali, mayroong paraan papasok sa aking pu-puso!

SERIAL RAPIST: Shit!

BOY RAPIST: Ano iyon?

NIGANG: Tiyaga, at tsokolate.

BOY RAPIST: 'Tiyaga'?  Ano iyon, brand ng damit?  Saan mabibili?  O brand ba iyon ng condom?  Kay laya mo talagang babae!

NIGANG: Tiyaga at tsokolate.  Sampung taon lang, Boy Rapist.  Sampung taon lang nang pag-aalay sa akin ng tsokolate.  Gabi-gabing dalaw.

SERIAL RAPIST: Kabaliwan!

BOY RAPIST: Payag ako.  Tiyaga at tsokolate!  Sampung taon, kakayanin ko para sa iyo Nigang.  Ang iyong ganda, ang iyong sungit.  Ang iyong nakakaakit at maasim na bilbil!  Paalam, hanggang sa susunod na gabi.  (Hihilahin si Serial Rapist palabas ng carinderia.)

            Babalik si Boy Rapist at Serial Rapist kung saan nakaupo ang mga nanonood.  Uupo sila.

NIGANG: Sampung taon!  Siguro ay patay na si tanda sa panahong iyon.  Maaari na akong tumakas dito.  Sa kamatayan ni Ama, lalaya na akong talaga.   (Sisimulan n'yang kumain ng tsokolate.  Mauubos n'ya ang laman ng kahon at itatapon n'ya ito sa mga nanonood.)

            Pagkatapos kumain, maglalabas ng kumot at banig si Nigang mula sa likod ng mesa.  Matutulog s'ya sa sahig. 

Babalik si Jesus sa carinderia.  Uupo ito sa mesa.  Kakalampagin n'ya ang mga kaldero.  Gigising si Nigang.

NIGANG: Bakit ang ingay?  Nakatulog pala ako.  Kay ganda ng aking panaginip, binigyan ako ng maraming tsokolate ni Boy Rapist.  (Magtatanggal ng kumot.  Hihimasin ang tyan.)  Ang taba ko talaga!  Naku, pero 'di bale.  Mahal naman ako ni Boy Rapist.  (Kakanta.) Alam kong 'di mo alam, narito lang ako.  (Tatayo s'ya't sasayaw paikot.)  Naghihintay-(Makikita n'ya si Jesus.)

JESUS (Bababa mula sa mesa at maglalakad-lakad sa paligid ng carinderia.  Papalakpakan n'ya ang pagkanta ni Nigang.): Ang galing mo palang kumanta Nigang, bakit nung buhay pa ako ay hindi mo ako kinantahan?

NIGANG: Jesus, ang tanging lalaking aking inibig?

JESUS: Ako nga si Jesus, pero hindi ko sigurado na ako lamang ang tanging lalaking iyong inibig.  Sino ba 'yang Boy Rapist na 'yan?  At bakit ka napapakanta dahil sa kanya?  Kung dahil sa pera'y matatanggap ko Nigang.  Pero kung inibig mo s'ya-

NIGANG: Kahit kailan ay ikaw lang ang inibig ko!  Pagkatapos mong mamatay isinumpa kong 'di na 'ko iibig pang muli.  Na lahat ng lalaking kakasamahin ko, kailangan magbayad ng malaking halaga.

JESUS: At kapalit ay ang iyong puri?

NIGANG: Ang kapalit ay ang aking company!  Kayong mga lalake puro sex lang ang nasa isip.  Tama lang pala na hindi kita pinakasalan.  Expected mo siguro pag kasal na tayo makikipagsex ako sa 'yo!  (Tatalikod.)  Nakakainis ka, ininsulto mo ako sa pagkikita nating muli pagkatapos ng matagal na panahon.  Balak pa naman sana kitang halikan, pero ngayon, hindi na!

JESUS (Tatayo, lalapit ka Nigang.): At bakit, bakit?  Ano ang aking nagawa para mawala ang iyong pag-ibig sa akin?  Walang halik?  Impyerno 'yon!  (Mahabang patlang.)  Pero sex pwede pa rin?

NIGANG (Lalayo.): Syempre pati sex wala na.  (Yuyuko.)  Ngayon, uusigin kita nang lubusan.  Hindi ko inakala Jesus, nagtiwala ako sa 'yo.  'Yun pala'y-

JESUS (Hahawakan ang kamay ni Nigang.): 'Yun pala'y ano?

NIGANG (Hahampasin ang kamay ni Jesus, maghuhulagpos hanggang bumitaw ang lalake.): 'Yun pala'y nagtaksil ka sa akin!

JESUS: Sino?  Sino'ng hayup ang nagsabi sa 'yo n'yan?  Ang mga kainuman ko, 'yung mga karpintero't mangingisda?  Sinasabi ko na nga ba't hindi mapagkakatiwalaan ang mga 'yon.  Mga tsismoso.  Hindi na 'ko makikipag-inuman sa kanilang uli.  (Lalakad-lakad.)  O baka naman ang Ama mo ang nagsumbong sa akin.  Ang matandang manyak na 'yon, hindi makapagtago ng sikreto.  May gusto rin kasi 'yon sa 'yo, kaya n'ya ako siniraan.

NIGANG: Manahimik ka Jesus, wag mo nang isisi sa mga kainuman mo ang iyong mga kasalanan.  At hindi ka man lang kilala ng aking Ama.  Iba ang nagsabi sa akin.

JESUS: E sino nga?  Kainis ka naman excited na 'kong malaman.  Sino nga kasi?  Wala namang ibang nakakaalam na nakiapid ako kay Pag-ibig.

NIGANG: Meron, si Pagmamahal, ang kasintahan ni Pag-ibig.

JESUS: Ang totoy na 'yon?  (Lalakad-lakad.)  Ilang taon nga pala ang tanda sa kanya ni Pagmamahal?  Tatlo?  Lima?

NIGANG: Sampu. 

            Tatawa silang dalawa.  Pagkatapos ng ilang sandali titigil si Nigang, mapapansin ito Jesus na titigil na rin sa pagtawa, pero maiiwan ang ngiti sa kanyang mukha.

NIGANG: Wag mong akalaing makakalimutan ko ang iyong kasalanan.  Taksil.

JESUS: Nagsalita ang walang ibang inibig.  Ang iba, kinantahan, akong itong nagpakamatay para sa kanya, kahit isang linya ayaw pagbigyan.  (Lalayo si Nigang.)  O, saan ka pupunta?

NIGANG: Anywhere but here!  Kung saan walang lalakeng mananakit sa akin.  (Hahawakan ni Nigang ang kanyang puson.

JESUS (Lalapit, pero itataboy s'ya ni Nigang): O, ok ka lang?  First day mo ba't may gonorrhea ka?  Bakit ba kasi ang sungit mo?  Totoo, totoo marahil lahat ng sinabi sa 'yo ni Pagmamahal.  Nakiapid nga ako kay Pag-ibig, tatlong beses bago sila magpakasal.  Pero 'yun lang naman ang pagtataksil ko.  Sex lang talaga ang interes ko sa kanya, 'di ko s'ya minahal.  'Di tulad mo-

NIGANG: Wag mo na akong gaguhin.  Sex lang talaga ang habol ng lalaki sa babae.  At kung gayon ay wala naman talagang pagmamahal.  At kung gayon, hindi mo rin ako mahal.  Kasi nga wala namang pagmamahal.  At kung gayon, lamang si Pag-ibig sa akin.  Kasi s'ya, tatlong beses mo nang naikama.  Samantalang ako, isang beses lang, wala pang orgasm.  (Hihikbi.)

JESUS (Nakayuko.): Hindi ko na alam ang gagawin ko.  Alam kong nasaktan kita.  Alam kong walang kabayaran 'yon.  Na hindi ko kailanman mababawi ang nakaraan.  Pero Nigang, ikaw, may magagawa ka.  Pwede mo akong patawarin.  Pwede pa rin tayong magsama.

NIGANG: Para ka rin namang si Pagmamahal.  Pare-pareho kayong mga lalaki, titi ang gamit sa pag-iisip.  Alam mo bang iniwan na ni Pag-ibig si Pagmamahal? 

JESUS: Es verdad?  Wow, antindi naman ng animal magnetism ko. 

NIGANG: Hindi para sa 'yo, mayabang.  Iniwan ni Pag-ibig si Pagmamahal dahil insensitive si Pagmamahal.  Laging nang-iinsulto, walang galang sa babae.  At kung magbigay ng bulaklak, padabog akala mo utang na loob pa ni Pagmamahal.  At isa pa, ginahasa ni Pagmamahal ang dalawang babaeng kakilala ni Pag-ibig.  Isa ay si Pagsinta, ang bestfriend ni Pag-ibig.  Ang isa nama'y si Pag-irog, kapatid ni Pagsinta.  Ang tingin ni Pagmamahal sa mga babae ay pag-aaring maaaring paglaruan.  At kapag nasira ay pwedeng iwan sa isang tabi.  At ganun ka rin Jesus, ganun kayong lahat na lalaki.

JESUS: Sa totoo, sa akin, ang mga babae ay parang libro.  (Mula sa pantalon ay kukuha ng Bibliya, itatapat sa mukha n'ya.)  Masarap amuyin.  (Kakalikutin ang mga pahina.)  Masarap dutdutin.  At pag tapos ka na sa kanya, pwede mong ulit-ulitin.  At kapag sawa ka na, pwede mong iwan sa kung saan, 'di s'ya magrereklamo.  (Itatapon ang Bibliya sa kung saan nakaupo ang mga nanonood.)  Pero ikaw, Nigang, matalino kang babae.  Hindi tulad ng iba d'yan, maganda lang pero aanga-anga.  Patawarin mo na ako.

NIGANG: Kung may utak ako'y hindi sana ako naniwala sa mga kasinungalingan mo.

JESUS: Wag kang mag-isip ng ano pa man.  Di mo kasalanan na naloko kita.  Lahat naman ngayon, mula sine hanggang telebisyon, mula nobela hanggang dula, pawang panloloko lamang. 

NIGANG (Hahawakan ang puson.  Gigiray.  Lalapit kay Jesus, yayakapin ito.  Hihikbi.): Bakit mo ako sinaktan?  Bakit ka hindi naging totoo sa akin?  Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko.

JESUS: Nigang, nakakalito ang mundo.  (Hahaplusin ang balikat ni Nigang.)  Kung sinong mahal mo, s'yang ayaw sa 'yo.  Ako man di alam kung bakit ko ginawa ang ginawa ko.  Kung ang pag-iibigan sa tunay na buhay ay puno na pagsisinungaling, ano pa kaya sa kathang isip?  Nigang, mahal-(Hindi matutuloy ang sasabihin.) 

NIGANG (Maghuhulagpos.  Lalayo kay Jesus.): Magtigil ka nga!  Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo!

JESUS: Nigang, read between the lines.  Iba ang aking sinabi sa aking ibig sabihin.  Hindi pwera dumaldal ako tungkol sa langit ay Diyos na ako.  Hindi pwera maglitanya ang isang lalake laban sa kalalakihan ay feminista na s'ya.  Read between my lines! 

NIGANG: Totoong damdamin ang aking nararamdaman.  Totoong tao ako.  Jesus, totoong buhay 'to.  Magseryoso ka, hindi ito sine, hindi palabas sa telebisyon.  Hindi nobela at mas lalong hindi dula!

            Tatayo sina Manong Carinderia, Boy Rapist, Serial Rapist, Pag-ibig, Sex at Ilusyon.

LAHAT MALIBAN KAY NIGANG (Pasigaw.): Nigang, dula ito!

            Tititigan ni Nigang ang mga tumayo, pagkatapos ay mapapaluhod s'ya sa biglang naramdaman.  Walang tinig n'yang ibubulong ang mga katagang, "Dula lang ito?  Dula lang ito?"

Uupo sina Manong Carinderia, Boy Rapist, Serial Rapist, Pag-ibig, Sex at Ilusyon.

JESUS: Nigang, 'di ka naman ordinaryong babae, alam mo ang mga karapatan mo.  May respeto ka sa iyong sarili.  'Di ka tulad ng iba d'yan na facial wash lang ang alam sa buhay.  Na minamanyak na ng "kaibigan" e wala pa ring imik.  Kaya nga kita mahal Nigang.  May utak ka kasi.  (Itatayo n'ya si Nigang.)

NIGANG: Ang ibig mong sabihin ay hindi ako maganda?  At para malaman mo, gumagamit din naman ako ng facial wash.  At hindi lang 'yon, pati ng vagiwash.  (Matitigilan.) At-  at-Jesus?

JESUS: Yes mahal?

NIGANG: 'Di ba patay ka na? 

            Tatango si Jesus.  Lalapit si Jesus kay Nigang.  Tatakbo si Nigang paalis ng carinderiaSusunod si Jesus.  Maghahabulan sila kung saan nakaupo ang mga nanonood.  Pagkatapos ng ilang sandali'y uupo si Jesus.  Babalik naman si Nigang sa carinderia at muling hihiga sa banig.

Papasok sina Pag-ibig, Ilusyon at Sex sa carinderia, uupo sila.  Maglalabas ng diyaryo si Pag-ibig, babasahin n'ya ito.

SEX: Sigurado ka bang darating 'yon?

ILUSYON: Sigurado ako.  S'ya mismo ang nakausap ko.  Nangako s'ya.

PAG-IBIG (Itatapon ang diyaryong hawak.): Hindi darating 'yon.  Lagi naman s'yang nangangako.

ILUSYON: Bakit ka ba ganyan?  Siguro, ayaw mo s'yang dumating dahil takot ka sa kanya.

PAG-IBIG: At ano naman ang aking ikakatakot?  Hindi lang ako tulad mong parang asong-

ILUSYON (Tatayo.): Asong ano? 

            Tatayo rin si Pag-ibig.

SEX (Papagitan sa dalawa.): Tama na 'yan.  'Di dapat tayo ang naglalaban-laban.

            Uupo silang tatlo.

PAG-IBIG: Patawad, masyado lang talagang mabilis ang bunganga ko.

ILUSYON: Ako ang dapat humingi ng paumanhin.  Akala ko kung sino 'kong siga, pasapak agad.

SEX: Kalimutan na natin 'yan.  (Haharap kay Ilusyon.)  Ano na ba'ng impormasyon mo sa kanya?

ILUSYON: Huli s'yang namataan sa isla ng Panay, sa Roxas, Capiz.  Bumibisita sa kanyang Ama.

PAG-IBIG: Oo nga pala, kamusta na'ng Ama mo?

ILUSYON (Iiling-iling.): Iyon, bangkay pa rin.

SEX: Hindi gumana ang ating salamangka?  Patay pa rin s'ya?

ILUSYON (Iiling-iling.): Ang sabi ko'y bangkay pa rin.  Pero buhay na s'yang muli.

PAG-IBIG: Gumana ang ating salamangka.  Nakakatayo, nakakakain, nakikipagtalik na s'ya!

ILUSYON: Kaso'y patuloy sa pagkaagnas ang kanyang katawan.  Ito nga't dala ko ang kanyang-

            May huhugutin si Ilusyon sa bulsa.  Tatayo at mapapalayo sina Pag-ibig at Sex.

PAG-IBIG AT SEX: Ano 'yan?

ILUSYON: Ito ang isang daliri ng aking Ama.  Dinala ko para ating masolusyonan ang problema.

SEX: Mukhang kalahati lang ang salamangkang gumana.  Hayaan mo at mamaya aayusin natin 'yan.  (Kukunin ang daliri ng Ama ni Ilusyon at ibubulsa ito.  Haharap si Sex kay Pag-ibig.) Nag-uusap na lang tayo ukol sa daliri, matanong ko, naaresto ka raw dahil sa pampifinger ng disisyeteng babae?

PAG-IBIG (Mapapatayo.): Anong uring tsimis!  (Patlang.  Uupo.)  Isang babae lang, at disiotso na s'ya.

ILUSYON: Ngayong taon.  Nung nakaraang taon, nung fininger mo s'ya, disisyete pa lang s'ya.

PAG-IBIG: Hindi totoo 'yon.  Hinawakan ko lang ang kanyang kamay, nang may pahintulot. 

SEX: Kung gayon ay bakit ganun ang balita?  Isa sa bawat dalawang text na natatanggap ko, ikaw ang paksa.  Namfinger, naaresto, nakulong, tumakas, binaril, namatay, naluklok sa lugar ng mga patay, nabuhay muli pagkaraan ng tatlong araw, umakyat patungong langit, naluklok sa kanan ng Ama, magbabalik sa wakas ng panahon.

SEX AT ILUSYON (Tatayo at kakanta.): Amen!

PAG-IBIG: Ang totoo'y ayaw ko na sa babaeng 'yon.  Pero gusto pa rin n'ya sa akin, kaya s'ya gumagawa ng kontrobersya.  Mga kaibigan, maniwala kayo.  'Di ako manyak, 'di ako excon.  Wala akong kasalanan.

ILUSYON (Aakbayan si Pag-ibig.): At kahit naman manyak, excon at makasalanan ka, mahal ka pa rin namin.  Mahal ka pa rin n'ya.  (Ituturo ang langit.)

PAG-IBIG (Tatanggalin ang akbay ni Ilusyon.): S'ya na naman.  Lagi na lang s'ya.  'Di ko kailangan ang kanyang pagmamahal.  Parati na lang natin s'yang hinihintay.  'Di s'ya dumarating.  Nung nasa kulungan ako, tawag ako nang tawag sa kanya.  Pero 'di n'ya ko pinuntahan.

SEX AT ILUSYON (Mapapatayo.): Akala ko ba'y 'di ka nakulong?

PAG-IBIG (Tatayo, arms akimbo.): Sabi ko'y 'di ako excon.  Pero nakulong ako.

SEX: At bakit naman?

PAG-IBIG (Hindi sasagot.  Iibahin ang usapan.): Kamusta naman pala ang inaanak ko.  At si Kumare?  Balita ko'y tinorotot ka n'ya?  (Uupo.)

            Uupo sina Sex at Ilusyon.

SEX (Matagal bago sasagot.): Patay na ang iyong inaanak

            Tatawa nang malakas si Ilusyon, akala'y nagbibiro si Sex.  Titingnan s'ya nang masama ng dalawa.

SEX: Naluto ang kawawang sanggol nang masunog ang bahay namin. 

PAG-IBIG: Ikinalulungkot kong malaman.  At ang pagtataksil ni Kumare?

SEX: Totoo-tinorotot n'ya ako.  Kaya ko nga sinunog ang aming bahay.  Patay na rin ang Kumare mo.  Natagpuan ang kanyang bangkay, nakayakap sa sunog na kalaguyo.

ILUSYON (Tatayo.): At sino namang ulol ang pumatos sa iyong asawa?    

SEX: Nakakahiya mang aminin-ang kanyang kapatid.

ILUSYON (Iikot-ikot sa carinderia.): Mga walang-hiya, mga hayop.  (Hihinahon.)  Sabagay, sobrang laki kasi ng dodo ng iyong asawa.  Kung s'ya man ang aking kapatid, baka patulan ko rin s'ya.  (Ipapatong ang kamay sa balikat ni Sex.) Wag mo na s'yang isipin pa.

PAG-IBIG (Kay Ilusyon.): Oo nga pala, kamusta na ang iyong kapatid?  Maliit man ang kanyang dibdib, alam mo naman ang nararamdaman ko para sa kanya.

ILUSYON: Mahal ka ng aking kapatid.  Sabi n'ya'y kamukha mo raw si Paraluman.  Pero hindi ko mapapahintulutang magkatuluyan kayo.

PAG-IBIG AT SEX: At bakit hindi?

ILUSYON: Ayaw kong mag-asawa ang aking ate ng isang excon.

PAG-IBIG (Tatayo.): Sinabi nang hindi ako excon!  At bakit hindi ang ate mo ang magdesisyon tungkol sa aming pag-iibigan at pagpapakasal.  Baka nakakalimot ka.  Ako yata ang-

ILUSYON (Tatayo.): Alam ko kung sino ka.  Sa tatlumpong taong magkakilala tayo 'yan parati ang bukang-bibig mo.  Ikaw ang katangitangi, ang pinagpala sa lahat.  Kaisa-isa sa mundo, paborito ni- paborito ni-

PAG-IBIG: Isa kang baliw.  Ni hindi mo masabi ang kanyang pangalan.  At hindi naman ako ang pinagpala sa ating tatlo.  Hindi ako ang namumukudtangi.  Ito, itong kumag na kapatid ko.  (Ituturo si Sex.)  Ito ang paborito ni M-

SEX (Tatayo.): Tumahimik kayong dalawa.  Alam n'yong 'di dapat banggitin ang banal n'yang pangalan.

PAG-IBIG: At bakit hindi?  Sino bang Diyos ang nagtakda ng batas na iyan?  Sino bang amo ang nagbawal sa pagbigkas ng isang pangalan?  (Pupunta sa gitna ng carinderia.)  Ano ba ang mangyayari kung sakali mang isigaw ko sa buong mundo ang pangalan ng hinihintay natin?  Si M-

            Tatakpan ni Ilusyon ng panyo ang bibig ni Pag-ibig.  Bubugbugin ni Sex at Ilusyon si Pag-ibig.  Bagsak 'to sa sahig, tulog.

ILUSYON: Patay na s'ya.  Hala!  Paano natin mabubuhay ang aking bangkay na Ama?

SEX: Hayaan mo.  Buhay pa naman 'yan.  Mamaya, isagawa natin ang ritwal.  Naiinis lang ako sa kanya at wala s'yang paggalang.  Sinadya n'yang manggalit.  Palibhasa'y excon.  Pero ngayon alipin ko na s'ya, ako na ang masusunod lagi.

            Maririnig ang tunog ng Selecta ice cream man.  Sasayaw ang dalawa, paikot-ikot sa plakdang katawan ni Pag-ibig.

SEX: Ayan na s'ya, ayan na s'ya.  (Sisipain si Pag-ibig.)

ILUSYON: Buti nga sa'yo, tulog ka ngayon.  (Sisipain si Pag-ibig.)  

SEX: Wala kang ice cream. 

ILUSYON: Wala kang Magnolia.

            Itatali nila ang isang chain sa mga braso ni Pag-ibig.  Aalis sila sa carinderia, pupunta kung saan nakaupo ang mga nanonood.  Uupo.  Papasok sina Serial Rapist at Boy Rapist sa carinderia. 

SERIAL RAPIST (Titingin sa loob ng kaldero.): Alam mo, napansin ko lang, wala naming ibang bumibili sa carinderiang 'to.  Ngayon, wala pang nagbebenta.  Pa'no tayo kakain? 

BOY RAPIST: Kumain na lang tayo nang walang bayad.  Magparty tayo!

SERIAL RAPIST: Party?  Tamang-tama!  May dala akong radyo.  (Maglalabas ng radyo at magsisimulang sumayaw.) 

            Magsasayaw sila.  Pagkatapos ng ilang sandali'y mapapagod si Boy Rapist at uupo s'ya. 

SERIAL RAPIST (Tuloy pa rin ang sayaw sa harap ni Boy Rapist.  Erotic ang sayaw.):  Ay, kay ganda ng buhay.  Masdan mo, ang ganda ng paligid!  (Tatalikod kay Boy Rapist at may kung anong ituturo sa may kung saan nakaupo ang mga nanonood.)

BOY RAPIST (Titingin sa paligid, makikita n'ya si Pag-ibig.  Titigan n'ya ito.): Tama ka, ang ganda-ganda ng paligid.  (Lalapit kay Pag-ibig.)

SERIAL RAPIST (Nakatalikod pa rin.): Mabuti naman at nagugustuhan mo ang pinapakita ko.  (Patlang.)  Boy Rapist, may aaminin sana ako sa 'yo.  May sikreto akong 'di ko na kayang itago, buong buhay ko 'tong sinasarili.  Ayaw kong mapunta ka kay Nigang.  'Di kayo bagay.  Boy Rapist (Haharap sa dating kinakatayuan ni Boy Rapist), mahal-

BOY RAPIST (Sa sarili.): Mahal ko ang babaeng ito.  (Lalapit kay Pag-ibig.) Isang magandang gabi sa isang magandang binibini, maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?

PAG-IBIG: Ako si Pag-ibig.  (Ipapakita n'ya ang kanyang mga kamay, na nakagapos din, nakatanikala.)  Alipin ni Sex. 

SERIAL RAPIST (Tatakbo papunta kay Boy Rapist, hihilahin n'ya 'to.): Boy Rapist, lumayo ka sa kanya, 'yan si Pag-ibig.  (Ituturo n'ya ang pagkakagapos ni Pag-ibig.)  Alipin ni Sex! 

            Papasok si Sex sa carinderia.

SEX: Pag-ibig (Itataas n'ya ang mga kamay ni Pag-ibig, hahalikan ang tanikalang panggapos.), alipin ko. 

PAG-IBIG: Ano po iyon, amo?

SEX: Halika't halikan mo ang aking mga kamay. 

            Susunod si Pag-ibig sa utos ni Sex.  Tatawa nang malakas si Sex.

SERIAL RAPIST: Boy Rapist, maaari ba kitang yayaing sumayaw?

BOY RAPIST: Sex, maaari ko bang yayain si Pag-ibig na sumayaw?

SEX: Nagbibiro ka ba?  Sa akin lamang si Pag-ibig, kaya nga alipin ko s'ya.  (Sasapakin si Pag-ibig.  Tatawa nang malakas.)  

BOY RAPIST (Haharang sa pagitan nina Sex at Pag-ibig): Salbahe!  Manyak!  Sexist!  Titi mo ang iyong gamit sa pag-iisip!  (Sasapakin si Sex.)

            Babagsak si Sex.  Papasok sa carinderia si Ilusyon.

SEX: Ilusyon, tauhan ko.  Patayin mo si Boy Rapist.

ILUSYON: Opo.  (Lalapit kay Boy Rapist.) Papatayin kita, sinaktan mo si Sex, ang amo ko. 

            Sapakan sila, talo si Boy Rapist.

SERIAL RAPIST (Hihilahin si Boy Rapist.): Halika na, papatayin tayo n'yan. 

            Ayaw sana ni Boy Rapist na tumakbo, tititig s'ya kay Pag-ibig, pero lalakasan ni Serial Rapist ang hila at tatakbo silang dalawa patungo sa kung saan nakaupo ang mga nanonood.

ILUSYON: Bumalik kayo rito, mga jologs, tanggapin n'yo't lasapin ang galit ni Ilusyon!  Hindi kailanman n'yo masasaktan si Sex!  Si Sex ang hari ng sangkatauhan!  Alipin lamang n'ya si Pag-ibig!  (Tatawa nang malakas.) 

            Tatayo si Sex, nasa may paanan n'ya si Pag-ibig.

SEX (Sasapakin si Pag-ibig.): Totoo, totoo.  Alipin ko Pag-ibig.    Halika Ilusyon, pinagsawaan ko na si Pag-ibig kagabi, ikaw naman ngayon ang hahalik sa aking-

            Aalis ang dalawa sa carinderia.  Pupunta kung saan nakaupo ang mga nanonood.  Uupo.  Maiiwan si Pag-ibig, nakatanikala pa rin.

BOY RAPIST (Maglalabas ng baril.  Aastang babaril.  Ibabalik ang baril sa bulsa.): Kailangang iligtas ko si Pag-ibig.

SERIAL RAPIST: Bakit?  Hindi ba't masaya na s'ya sa pagiging alipin ni Sex?

BOY RAPIST: Serial Rapist?  Kailanman ay hindi ko naisip na sasabihin mo ang mga salitang iyan.  Ikaw na nagturo sa akin na walang masayang alipin.  Ikaw na nagsabing ang salitang "alipin" ay kabaligtaran at salungat sa salitang "nag-iisip".

SERIAL RAPIST: Tama ka.  Ako nga ang nagsabi n'yan, ako nga ang nagturo sa iyo ukol sa kamalayan, kalayaan at pag-iisip. 

BOY RAPIST (Aakbay kay Serial Rapist.): Ikaw ang nagturo sa akin na dapat wasakin ang mga ilusyon na nagpapaliit sa mga tao.  Sabi mo sa akin, ang mga Kristyano, ang mga battered wives, ang mga laging nasa bar, ang mga taong sarap lang ang gusto sa buhay, lahat sila'y nag-iilusyon lamang.  Sila'y mga alipin at hindi masaya, sila'y dapat palayain.

SERIAL RAPIST: Iniibig mo ba si Pag-ibig?

BOY RAPIST (Matagal bago sumagot.): Oo.

SERIAL RAPIST (Aalisin ang brasong nakaakbay sa kanya.): Hindi ba totoo na ang pag-ibig ay isa lang ding ilusyon?  Kung kaya't ang pag-ibig mo kay Pag-ibig ay isa ring kahangalan, at kung gayon kahit mapalaya mo s'ya mula sa mga kamay ni Sex, ikaw naman ang magiging amo n'ya?  Isipin mo, ang "syota" sa Bikol ay "kailusyon."  Hindi mo ba naiisip kung bakit?

BOY RAPIST (Yuyuko.):  Tama ka.  Pero anong magagawa ko?  Sobrang sexy talaga ni Pag-ibig.  At isa pa, sa aming matagal na pag-uusap pakiramdam ko'y kilalang kilala ko na s'ya. 

SERIAL RAPIST: Anong matagal na pag-uusap?  Tig-isang pangungusap lang ang dialogue n'yo!

BOY RAPIST: Kahit na.  Nakilala ko talaga s'ya.  Alipin nga s'ya, pero alam kong gusto n'yang lumaya.  At saka Serial Rapist, 'di mo s'ya natitigan?

SERIAL RAPIST: Mukha ba akong bato sa 'yo, Boy Rapist?  Babae s'ya, syempre tumitig ako sa kanya.

BOY RAPIST: O alam mo naman palang babae s'ya e?  At kilala mo naman ako, pag babae, iniibig ko agad.  At marahil narinig mo rin ang kanyang accent, sa aling probinsya kaya s'ya galing?

SERIAL RAPIST: Ewan, leche.  Aklanon siguro ang hindot.  (Patlang.)  Alam kong hindi kita mapipigilan sa kahangalang ito.  Kung susugurin mo ngayon si Sex, sasama ako sa iyo.  Hindi ka man nakikinig sa aking mga pagtuturo, ako nama'y narinig ang sinasabi ng iyong puso.

BOY RAPIST: Wag ka ngang baduy, Serial Rapist.  Sex lang din ang habol ko kay Pag-ibig. 

SERIAL RAPIST: Tama.  Tama.  Ano pa ba ang habol ng isang tao sa kanyang kapwa kundi sex?  Tama.  Pero kahit ganun pa man, tutulungan pa rin kita.  Sa tingin mo ba'y perpekto s'ya?

BOY RAPIST: Perpekto.  Pakiramdam ko'y buong buhay ko'y s'ya ang aking hinahanap.

SERIAL RAPIST: Boy Rapist, sa buwan lang na 'to s'ya na ang pangatlong perpektong babaeng-

BOY RAPIST (Hindi na ipapatapos kay Serial Rapist ang sinasabi nito.): Lahat ng babaeng aking minanamahal ay perpekto.  (Patlang.)  Umalis na tayo.  

            Maglalakad sila pabalik sa carinderia.  Nakatanikala pa rin doon si Pag-ibig. 

BOY RAPIST: Ayon s'ya, halika Serial Rapist.

            Tatakbo ang dalawa, pero papasok si Ilusyon sa carinderia at haharang.

SERIAL RAPIST: Sige tumakbo ka na't iligtas mo si Pag-ibig.  Ako na ang bahala rito.

            Tatakbo si Boy Rapist patungo kay Pag-ibig.  Susugurin ni Serial Rapist si Ilusyon. 

ILUSYON: Serial Rapist, matagal ko nang inaabangan ang pagkakataong ito.  Luluhod ka na rin sa harap ko.

SERIAL RAPIST: Kahit kailan ay hindi mo mapapaluhod si Serial Rapist sa harap mo Ilusyon.  Kahit ilang langit pa ang ialok mo sa akin, hindi ako magpapaloko tulad ng mga Kristyano.  Kahit ginto pa ang iyong titi, hindi ako magpapaliit tulad ng mga battered wives.  Kahit ilang cellphone pa ang ialay mo sa aking mga paa, tatapakan ko lang ang mga iyan.  Hindi ako tulad ng mga ibang college students sa Pilipinas ngayon, na meron ngang load, wala namang utak.  Na fully charged nga ang baterya ng cellphone, pero low batt naman ang pag-iisip.

ILUSYON: Ano ba 'yang pinagsasabi mo?  Inaalok lang naman kita ng oral sex. 

            Mabibigla si Serial Rapist.  Nganganga s'ya.  Yayakapin s'ya ni Ilusyon.  Aalis ang dalawa sa carinderia, magkahawak kamay.  Pupunta sila kung saan nakaupo ang mga nanonood.  Uupo sila at mag-aact-out na parang nag-ooral sex.

BOY RAPIST: Pag-ibig, narito na ako.  Papalayain na kita.

PAG-IBIG: Una, sino'ng may sabi sa'yo na kailangan kong lumaya?  At pangalawa, kung gusto ko mang matanggal ang pagkakagapos kong ito, sa tingin mo ba'y kailangan ko pa ng isang lalake para gawin iyon? 

BOY RAPIST (Haharap sa mga nanonood.): Titi ng ama, feminista pa yata ang hayop.  (Haharap kay Pag-ibig.) Ayaw mo bang maging malaya?

PAG-IBIG: Kung hahayaan kong tulungan mo ako, at tatakas tayong magkasama, ano ang mangyayari pagkatapos?

BOY RAPIST: Syempre makikipagsex ka sa akin bilang pasasalamat.

PAG-IBIG: E ano ang pinagkaiba mo kay Sex?  Sex din pala ang habol mo sa akin.

BOY RAPIST: Pag-ibig, lahat ng tao ay sex lang ang habol sa isa't isa.  Kung pagkakaibigan lang ang habol ko sa'yo, bakit pa kita nililigawan?  Talagang sex ang habol ko sa'yo.  Pero meron akong malaking kaibahan kay Sex.  Inaamin kong sex lang ang habol ko sa'yo.  Hindi na kita lolokohin, hindi ako magsisinungaling.  Ang mga lalaking tulad ni Sex, magkukunwaring makikpagkaibigan.  Tapos, sex lang pala ang tunay na habol.  Ako, sa simula palang sasabihin ko na sa 'yong sex lang ang habol ko.  Pero malaki ang tsansa na magiging magkaibigan tayo.  Naiintindihan mo?  Sila: Kunwari Pakikipagkaibigan Pero Sex Ang Habol.  Ako: Sex Talaga, Pero Maaaring Maging Kaibigan.

PAG-IBIG: Totoo 'yang sinasabi mo, pero hindi pa rin ako sasama sa 'yo.

BOY RAPIST: Bakit?  Ang alok ko sa iyo ay katotohanan!

PAG-IBIG: Una, ang tagal na naming magkakilala ni Sex.  Pangalawa, hindi s'ya sobra sa pagiging makatotohanan.  Alam n'yang minsan, kailangan ng ilusyon sa buhay.  At pangatlo, malaki ang titi n'ya.

BOY RAPIST (Aabutin ang zipper.): Titi ng ama, malaki rin naman ang aking-

            Biglang papasok sa carinderia si Sex

SEX: Wag ka nang magpacute pa Boy Rapist, alam naman namin ni Pag-ibig na maliit ang titi mo.

BOY RAPIST (Maglalabas ng baril.): Papatayin kita!   

SEX: Wag maawa ka sa akin, sige kunin mo na s'ya.  Hindi ko naman talaga s'ya tunay na mahal, sex lang ang habol ko sa kanya.

BOY RAPIST: Narinig mo 'yon?  Ngayon, sumama ka na sa akin.

PAG-IBIG: Ayoko pa rin.  'Di man ako mahal ni Sex, ako mahal ko s'ya.

BOY RAPIST: Kung gayon magpaalam ka na sa kanya.  (Itututok ni Boy Rapist ang baril n'ya kay Sex.)

SEX: Wag, maaawa ka! 

            Babarilin ni Boy Rapist si Pag-ibig.  Mamamatay ito.

SEX: Anong?  (Patlang.)  Bakit mo ginawa 'yon? 

            Babarilin ni Boy Rapist si Sex. 

SEX: Bakit mo ginawa 'to?  (Mamamatay ito.

BOY RAPIST: Hindi ko matitiis na mabuhay sa mundong ito ang mga taong mas gugustuhin pa ang ilusyon kaysa sa katotohanan.  (Pasigaw sa nanonood.) Hangal na mga tao, ilusyon lang ang pag-ibig, sex lang ang tunay na atin.  (Babaling sa katawan ni Pag-ibig.) Ikaw, sino ang mas pipiliin n'yo?  Taong magpapanggap na kaibigan pero sex ang habol, o taong aamining sex ang kanyang habol, pero maaari rin namang maging kaibigan?  Meron ba silang pinagkaiba? 

            Uupo si Boy Rapist.  Babalik si Serial Rapist sa carinderia.  Magyayakapan sila.  Uupo sa tabi ni Boy Rapist si Serial Rapist.  Tatayo sina Boy Rapist at kakalampagin ang mga kaldero.   

Walang papansin sa dalawang bangkay. 

NIGANG (Gigising.  Tatayo.): Magandang umaga Boy Rapist!  Hindi ka maniniwala sa ikukwento ko sa 'yo.  Napanaginipan kita, pinatay mo raw si Pag-ibig at Sex!  Napanaginipan ko rin si Jesus, at- at- (Patlang.  Matagal.)  Boy Rapist, ubos na ang binigay mong tsokolate.  Pahingi pa!

BOY RAPIST: Nigang, hindi ako makakapaghintay ng sampung taon!  Pakasal na tayo!

NIGANG: Lumayas ka!  Lumayas kayong pareho!

BOY RAPIST: Ano pa ba'ng ang gusto mo sa akin?  Huwag kang mag-alala.  Kahit kasal na tayo, tuloy pa rin ang tsokolate.  Tuloy pa rin ang tamis.  At pati ako makakatikim!

NIGANG: Hindi ko na kailangan ang tsokolate mo.  Tingnan mo nga ako.  Ang taba-taba ko!

BOY RAPIST: Ikaw ang may dala niyan sa iyong sarili!

NIGANG: Ikaw- (Patlang.)  Ako nga ano?

            Papasok si Manong Carinderia sa carinderia

NIGANG: Ama, palayasin mo sila!

MANONG CARINDERIA (Kukunin at ipananakot ang sandok.): Layas!

            Tatakbo sina Boy Rapist at Serial Rapist paalis ng carinderia.  Pupunta sila kung saan nakaupo ang mga nanonood.  Uupo sila.

NIGANG: Salamat, Tanda.

MANONG CARINDERIA: O sige, anak.  Kumain na tayo. 

            "Ina ni Nigang" ang kakainin nilang pareho mula sa iisang plato

MANONG CARINDERIA (Hihiga sa banig na nilatag kanina ni Nigang.):  Matutulog na ako.

NIGANG: Ito na ang aking pagkakataong tumakas.  Hindi nahintay ni Boy Rapist ang sampung taon.  Ako ma'y hindi na kayang hintaying mamatay si Ama.  (Mula sa likod ng mesa ay kukuha s'ya ng mga damit at maleta.  Mag-iimpake s'ya, bubuhatin ang bag.)  Ngayon na ang araw ng pagtakas. 

            Papasok si Boy Rapist at Serial Rapist sa carinderia.

BOY RAPIST: Nigang!

SERIAL RAPIST: Bakit ba tayo bumalik, umalis na tayo.

NIGANG (Kukunin ang sandok, akmang hahampas.):  Umalis ka!

            Ilalabas ni Boy Rapist ang kanyang baril.  Itututok n'ya ito kay Nigang, na mapapatigil.  Ibabagsak ni Nigang ang sandok.  Tatakbo si Nigang. 

BOY RAPIST: Manloloko!  Pinaasa mo ako!   (Babarilin ang binti ni Nigang.)

Bagsak si Nigang sa sahig.  Bubuhatin ni Boy Rapist si Nigang papunta sa likod ng mesa.  Gagahasain n'ya ito.

NIGANG: Wag!  Wag! 

Magkatapos ng ilang sandali'y iiyak na lamang.  Malakas at tuloy-tuloy ang iyak na ito.)

SERIAL RAPIST (Nakatingin sa likod ng mesa): Wag!  Wag!  (Lalayo.  Mapapaupo, itatago ang mukha sa mga kamay.)

            Ilang sandali na puro iyak ni Nigang at tawa ni Boy Rapist ang maririnig.           

BOY RAPIST (Tatayo mula sa likod ng mesa): Paalam pag-ibig! (Kukunin ang sandok, ipapakita sa mga nanonood, hahampasin n'ya si Nigang.)

            Sasabayan ng tunog ng paghahampas ng sandok ang tuloy-tuloy pa rin na pag-iyak ni Nigang.  Pagkatapos ng ilang sandali'y titigil ang pag-iyak ni Nigang at pagkatapos pa ng ilang sandali'y titigil na rin ang panghahampas ni Boy Rapist.   

SERIAL RAPIST (Tatayo.): Boy?  (Lalapit sa likod ng mesa.)  Tama na, patay na 'yan.

BOY RAPIST (Aalis mula sa likod ng mesa, pero roon ang tingin.): Bakit mo ako pinadalaw pa kung ayaw mo naman pala sa akin talaga? (Tititig sa sandok, matatanto ang ginawa.)  Ano'ng gagawin natin?

SERIAL RAPIST (Itataas ang kaldero sa harap ng mga nanonood, saka itatago sa likod ng mesa.):  Ako ang bahala.  Kunin mo ang sandok at kutsilyo.

            Iaabot ni Boy Rapist ang sandok at kutsilyo.

BOY RAPIST: Ano 'yan?  Nakakadiri!  (Titingin kay Serial Rapist, tapos kay Manong Carinderia.)

SERIAL RAPIST: Tahimik, nagluluto ako!  (Mag-iingay, saka iaangat ang kaldero sa mesa.) 

            Gigising at tatayo si Manong Carinderia.

MANONG CARINDERIA: Ano'ng ginagawa n'yo?  Hindi ba't pinalayas ko na kayo?

SERIAL RAPIST (Iaabot ang kaldero.): Pumunta lang kami para magpaumanhin.  May dala kaming pagkain bilang simbolo ng pagsisisi.

MANONG CARINDERIA (Uupo, kukuha ng plato.):  Tamang-tama gutom ako (Kakain.)  Nasaan kaya si Nigang?  Ang anak kong 'yun-ang ganda-ganda, pero ang taba-taba!

BOY RAPIST: Parang baboy!

MANONG CARINDERIA: Oo nga!  (Kakain pa lalo.)  Ang sarap nitong putahe a!  Ano'ng tawag dito?  Ano ba 'to?  Maasim pero katakamtakam!

SERIAL RAPIST: Si Nigang po.  "Si Nigang na baboy"!

WAKAS


MASKARA

Frank G. Rivera
Filipino

MGA TAUHAN:
ANG PUNONG MASKARA - mistulang isang Diyos tulad ng pagdiyos-diyos ng kahit na sinong mataas na pinuno; maaari ring siya mismo ang Mataas na Pinunong ito na may maskarang kumikislap at ginto’t pilak ang kasuotan.
MAHIWAGANG TINIG – isang hindi nakikitang tauhan; humihinto ang lahat kung siya’y nagsasalita.
ISANG MALAKING PULUTONG NG TAO – mas maraming gumaganap; mas mabuti; pawang makukulay ang mga kasuotan; walang katiyakan sa kanila kung alin ang babae at lalaki; nahahati ang pulutong na ito sa dalawang pangkat:
UNANG PANGKAT – pinamumunuan ni MAKISIG.
IKALAWANG PANGKAT – pinamumunuan ni MAGANDA
ANG TANGHALAN: - Kahit saan na walang lamang espasyo.
ANG PANAHON: Gabi ng ngayon o bukas. (Maiilawan ang buong tanghalan: maliwanag na maliwanag at walang anumang makikita. Biglang makaririnig ng kung anu-anong ingay mula sa labas ng tanghalan, sari-sari: tulaan; kantahan; iyakan; tawanan; putukan; bulungan; sigawan; tugtugan; atbp. Mananatiling gayon nang ilang saglit. At dahan-dahan, waring pilit na pilit, maglalaho ang iba’t ibang himig. Magdidilim. At sa ilang saglit, para bagang ang lahat ng bagay sa daigdig ay huminto.)
MAHIWAGANG TINIG : (Umaalingawngaw)
Pigilin! Pigilin ang paglubog ng araw.
Panatilihin ang liwanang…..
(Ang dati’y walang-lamang tanghalan ay muling magliliwanag at ngayon ay mapupuno ng tao sa pagdagsa ng ISANG MALAKING PULUTONG NG TAO: pawang nakamaskara at naglalarawan ng iba’t ibang uri ng mukha.
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
2/35
Nagsasayawan. Nagkakantahan. Mapupuno ng kasiglahan ang buong paligid. Makulay na makulay ang buong tanghalan na nagmistulang isang malaking pagdiriwang na ang mga dumalo ay pawang nakabalatkayo. Naglalasingan; naghahalakhakan. Mapapansing ang malaking pulutong na yaon ay nahahati sa dalawang pangkat: ang UNANG PANGKAT at ang IKALAWANG PANGKAT.)
UNANG PANGKAT:
Masaya ang buhay!
IKALAWANG PANGKAT:
Masaya ang buhay!
UNANG PANGKAT:
Masaya ang buhay, masaya ang buhay!
Bawat bato sa lupa’y ligaya ang taglay.
IKALAWANG PANGKAT:
Masaya ang buhay, masaya ang buhay
Bawat ihip ng hangin ay ligaya ang taglay.
UNA/IKALAWANG PANGKAT: (Sabay)
Masigla ang buhay! Masigla ang buhay.
UNANG PANGKAT:
Masigla ang buhay, walang pagkalumbay.
Taginting ng pilak, kasiglaha’y taglay.
IKALAWANG PANGKAT:
Masigla ang buhay, walang pagkalumbay.
Taginting ng ginto, kasiyaha’y taglay
UNA/IKALAWANG PANGKAT: (Sabay).
Masaya’t masigla ang buhay! Mabuhay!
Masaya’t masigla ang buhay! Mabuhay!
Mabuhay! Mabuhay!
(Maghahalakhakan ang dalawang pangkat. Magmimistulang isang paligsahan sa tawanan ang buong paligid.)
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
3/35
UNANG PANGKAT:
Tiyan nami’y sumasakit dahilan sa pagtawa.
IKALAWANG PANGKAT:
Sa tindi ng pagtawa’y nabábasâ pati mata.
UNANG PANGKAT:
Aray! Masigla’t masaya ang búhay…Aray!
IKALAWANG PANGKAT:
Masigla’t masaya nga ngunit aray!
UNA/IKALAWANG PANGKAT:
Masigla’t masaya nga ngunit -Aray! Aray!
(Isang tao ang hihiwaly sa UNANG PANGKAT. Ang maskarang suot nito ay payak kung ihahambing sa ibang maskara. Siya si MAKISIG.)
MAKISIG:
Sa bawat kasayahan at katuwaan,
may mararamdamang kirot at hapdi.
Ang mataginting na halakhak
ay may kasuyong mapapait na luha.
Sa likod ng mga ngiti,
may sugat na humahapdi.
kasabay ng halakhak,
dumurugong mga sugat.
(Hihilahin ng UNANG PANGKAT si MAKISIG upang muling makisama sa kanila. Halakhakan. Mapipilitan si MAKISIG pero hindi rin siya makikitawa.)
UNANG PANGKAT:
Masaya’t masigla ang búhay, hindi ba?
(Tatakpan ni MAKISIG ang kanyang tainga.)
UNANG PANGKAT:
Maligaya tayo, hindi ba? Hindi ba?
MAKISIG PANGKAT: (Sisigaw)
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
4/35
Ayoko na!
UNANG PANGKAT:
Makipagdiwang kang muli sa amin,
Makisig. Ang dala ng buhay
ay masasayang halakhak. Ngumiti ka… tumawa.
(Lahat ay maghahalakhakan.)
MAKISIG PANGKAT: (Sisigaw.)
Masakit na ang tiyan ko sa pagtawa!
(Magsasayawan ang UNANG PANGKAT sa paligid ni MAKISIG. Samantala, isang tao ang hihiwalay mula sa IKALAWANG PANGKAT. Payak din ang maskarang suot nito katulad ng kay MAKISIG. Siya si MAGANDA.)
IKALAWANG PANGKAT:
Maganda, saan ka pupunta?
MAGANDA:
Sa dako roon kung saan ko lubos na
makikita ang ginagawa nila.
IKALAWANG PANGKAT:
Sapat na ang sa atin, ang sa iba ay huwag nang intindihin.
MAGANDA:
Mas matamis ang asukal sa kabila, mas nakawiwili at nakaakit ang kasiglahan nila.
IKALAWANG PANGKAT:
Masaya na ang buhay natin,
ang sa iba’y huwag alalahanin.
MAGANDA:
Kung gayon ay pabayaan ako sa aking gagawin.
IKALAWANG PANGKAT:
Sige lang at humayo ka, subalit bumalik ka agad kapag nanghinawa na.
(Lalapit si MAGANDA kay MAKISIG.)
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
5/35
MAKISIG:
May dulot na hapdi at kirot ang
sigla at tuwa. Mataginting na
halakhak naghahatid na ng luha.
MAGANDA:
Ikaw, sino ka man, batid mo bang ang pagiging makata sa ganitong pagkakataon ay wala nang kabuluhan?
MAKISIG:
Walang kabuluhan kaya ang pagsisiwalat sa nasa ng pusong ngayo’y nawawasak?
MAGANDA:
Huwag mo nang ipilit ang pagtula-tula dahil pandinig ko ngayo’sawang-sawa.
MAKISIG:
Aba, ang magandang binibini pala’y may talino ring itinatago!
MAGANDA:
At may matalas na pang-amoy sa itinatagong baho.
(Magtatawanan ang IKALAWANG PANGKAT.)
MAKISIG:
Sabihin mo, binibini, ang nais na ipadama.
MAGANDA:
Ipinadarama na, bakit sasabihin pa?
(Muling magtatawanan ang mga tao sa IKALAWANG PANGKAT.)
MAKISIG:
Hindi tumitino ang damdaming nais ipadama.
MAGANDA:
Manhid siguro, dahil payak lamang ang gusto kong ipadama sa iyo.
MAKISIG:
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
6/35
Ang payak ay madaling makita, madaling mabasa, madaling madama.
MAGANDA:
Ba’t hindi mo agad nagagap ang pagkawili ko sa palabas mo?
MAKISIG:
Hindi palabas, binibini. Hindi palabas.
MAGANDA:
Kung gayon ay ano?
MAKISIG:
Akala ko’y matalas ang pang-amoy mo!
(Magtatawanan ang UNANG PANGKAT.)
MAGANDA:
Lubha kang malabo. Ang damdaming nais ilathala ay hindi malilimbag kung sarili mo lamang ang nakauunawa.
MAKISIG:
Hindi ko ipinagpapakasakit ang kagandahan ng sining sa isang payak lamang na damdamin.
(Muling magtatawa ang UNANG PANGKAT.)
MAGANDA:
Kung gayon, wala na tayong pag- uusapan pa.
MAKISIG:
Sandali lamang.
MAGANDA:
Ayaw kong aksayahin ang aking panahon sa mga nagkukunwaring matalino.
MAKISIG:
Kung hindi lamang maganda ang katawan mo, hindi ako magpapakababa nang ganito.
MAGANDA:
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
7/35
Nasasayang ang oras, linawin na lamang ang malalabong salitang hinabi ng dila mo.
MAKISIG:
Sa payak na salita’y ganito - sa likod ng kasayahan ay laging may kalungkutan.
MAGANDA:
Ginoo, hindi ba’t ang isa ay nagbibigay-daan lamang para sa isa?
(Magtatawa ang IKALAWANG PANGKAT.)
IKALAWANG PANGKAT:
Nagbibigayan.
UNANG PANGKAT
: Nagdadamayan.
MAGANDA:
Ganyan ang buhay.
(Magtatawanan ang dalawang pangkat.)
MAKISIG:
Maaari namang maging mas higit pa sa basta bigayan at damayan ang buhay upang lalong maging maganda!
MAGANDA:
Aba! Kung ‘yan lang, basta bigayan at damayan, ubod nang hirap gawin, ‘yun pa kayang gusto mo?
MAKISIG: (Sisigaw)
Tanggalin mo ang iyong maskara!
(Katahimikan. Matitigilan ang lahat.)
MAGANDA:
At ang maskara mo?
(Magpapalakpakan ang lahat.)
UNANG PANGKAT:
Gabi na, Makisig, umuwi ka na.
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
8/35
MAKISIG:
Hindi pa huli ang lahat. Hanapin natin ang liwanag.
IKALAWANG PANGKAT:
Ipagpatuloy ang naantalang pagdiriwang.
UNANG PANGKAT :
Masaya ang buhay!
MAKISIG:
Ito na ang wakas.
MAGANDA:
Ito ang simula.
MAKISIG:
Idilat mo ang iyong mga mata, binibini.
MAGANDA:
Ayaw kong makinig sa ‘yo, ginoo.
MAKISIG:
Kay-saya ng buhay kung tayo’y malaya. Puno ng pag-asa at mga haraya. Nag-uumapaw ang ginintuang tuwa. Laging may umaga’t damdami’y sariwa
UNANG PANGKAT :
Masigla ang buhay!
IKALAWANG PANGKAT:
Masaya ang buhay!
MAGANDA:
Kay-saya ng buhay kung puno ng awit kung baga sa rosas, walang kahulilip. Ang taglay na bango na kaakit-akit.
MAKISIG:
Ganyan nga ang tuwa kung di pinipilit. O, kay-saya ng buhay kung wala nang pasakit walang mandarayang saksakan ng lupit.
MAGANDA:
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
9/35
Huwag mong sirain ang gabing ito para sa akin. Ang pagdiriwang ang ating atupagin. Darating na ang ating hari.
MAKISIG:
Kahit na tayo’y nakabilibid sa mga maskarang ito?
(Bubulong.)
Alisin mo, binibini, ang iyong maskara at damhin ang kaligayahan ng pagiging malaya.
MAGANDA:
Huwag kang lubhang pangahas Ang sarili mo ang pakialaman mo!
(Tatanggalin ni MAKISIG ang kanyang maskara. Magugulumihanan ang lahat. Lalayo sila na parang suklam na suklam kay MAKISIG. Parang nandidiri.)
UNANG PANGKAT :
Makisig, wala kang isip! Alalahanin mo kami. Ang mga kaibigan mo. Mga magulang. Mga kapatid.
MAKISIG:
Oras na upang harapin ang katotohanan.
UNANG PANGKAT :
Hindi namin kailangan magpakabayani.
Humayo ka kung nais mo pero huwag mo kaming idamay sa iyong kalokohan.
MAKISIG:
Mga kasama, hindi pansarili ang ibig kong pagbabago. Ito’y para sa ikabubuti ng marami. Para sa ating lahat. Sa sangkatauhan!
UNANG PANGKAT :
Kung sa pagpapakabayani mo’y mapasaalang-alang pati na ang kabutihan namin, maipapayo naming huwag mo nang ituloy. Kami na rin ang magsusuplong sa’yo.
MAKISIG:
Magagawa n’yo ‘yun sa akin?
Ako’y kauri ninyo!
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
10/35
UNANG PANGKAT :
Walang anak, walang kapatid, walang kamag-anak at kaibigan kung kasawian ng sambayanan ang nakasalalay.
MAKISIG:
DUWAG! Kayo’y mga duwag!
UNANG PANGKAT :
May mga tuntuning dapat na igalang, dapat na sundin. Kung makikiayon din lamang sa kabihasnan ng tao, ‘yun ang dapat gawin!
MAGANDA:
At saka hindi mo mababago ang guhit ng tadhana.
IKALAWANG PANGKAT:
Minsan lang mabuhay ang tao kaya tayo’y magpasasa.
MAKISIG:
Huwag ninyo gamitin ang katwirang ‘yan para sayangin
ang nag-iisang buhay.
IKALAWANG PANGKAT:
Ipagpatuloy ang pagsasaya. Ipasa rito ang alak.
UNANG PANGKAT :
Diyos ba ang akala niya sa sarili ay kayang baguhin ang kasiglahan natin?
MAGANDA:
Hindi kayang baguhin ng ilusyon ang katotohanan bihisan man ito ng kung anu-ano!
UNA/IKALAWANG PANGKAT : (Sabay)
Hala, magsaya tayong lahat! Huwag sirain ang gabi.
Magsaya!
MAKISIG:
Binibini, ito ang tunay na ako. Masdan mo!
MAGANDA:
Huwag kang hangal!
MAKISIG:
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
11/35
Sabi mo’y ito ang simula. Kayat ito na nga. Ulitin natin, binibini. Ito ang simula!
MAGANDA:
Isuot mong muli ang iyong maskara, ginoo.
MAKISIG:
Na tulad nang dati? Bakit, binibini? Ang buhay ba’y isang paulit-ulit na musika – sa nabibinging tainga ng
Diyos?
MAGANDA:
Hindi pa ngayon oras para ilantad mo ang iyong tunay na pagkatao. Mayroong panahon para d’yan.
MAKISIG:
Kailan pa, binibini? Kung ang buwan sa langit ay lumubog na nang wala pang araw na kahalili?
MAGANDA:
Huwag kang maingay. May takdang panahon para sa lahat ng bagay. Ako at ang aking pangkat ay may nakalaang oras para sa mga sinasabi mo. Kailangan ngayon ay magpakapino.
(Ilalagay ni MAGANDA ang maskara sa mukha ni MAKISIG.)
MAGANDA:
Maghintay-hintay ka pa nang ilang sandali, ginoo.
(Magpapalakpakan ang dalawang pangkat. Pagkatapos, sila ay magsasayawang muli.)
MAKISIG:
Salamat sa‘yo. Maraming salamat.
MAGANDA:
Hindi magiging mainam kung makahalata agad ang pangkat mo. Baka mabigla sila at gumawa nang hindi
mabuti. Masisira ang aming plano.
MAKISIG:
Makihalo tayo sa kanila. Sumunod ka sa akin ako ang bahala.
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
12/35
(Magsasayaw rin sina MAKISIG at MAGANDA.)
MAGANDA:
Masaya ang búhay, masayang-masaya! Panay ang sayawan, panay pa ang kanta. Mga binibini’y napakagaganda. Ang mga ginoo ay kay kikisig pa.
(Papalakpak ang UNANG PANGKAT.)
MAKISIG:
Puno ng ligaya itong ating búhay ng ganda at bangong kay-tagal hinintay ngayong atin silang walang pagkamatay
ang ibang bagay ay wala na ngang saysay.
(Papalakpak ang IKALAWANG PANGKAT at mamamayani ang
kaingayan at kaguluhan.)
MAHIWAGANG TINIG : (Umaalingawngaw.)
Narito na…!
(Matitigilan ang lahat. Pagkunwa’y mangagsisiluhod na parang sumasamba sa isang bathala.)
MAHIWAGANG TINIG: (Umaalingawngaw.)
Magpugay! At ipagbunyi ang pagdatal ng inyong hari na
kinalulugdan ko.
UNANG PANGKAT :
Salubungin ang Punong-Maskara!
IKALAWANG PANGKAT:
Mabuhay ang Punong-Maskara!
UNA/IKALAWANG PANGKAT: (Sabay)
Mabuhay! Mabuhay! Mabuhay!
(Papasok ang PUNONG-MASKARA na nakaupo sa kanyang magarang trono. Dadalhin siya sa gitna ng tanghalan habang ang
lahat ay nagpupugay.)
UNA/IKALAWANG PANGKAT: (Sabay)
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
13/35
Kami’y inyong lingkod, panginoon namin.
PUNONG-MASKARA:
Labis-labis ang aking katuwaan at kayong lahat ay nakadalo sa pagtitipong ito.
MAKISIG:
Hindi ba’t ikaw ang nagpasugo sa aming lahat para kami ay makarating dito?
PUNONG-MASKARA:
Kaya naman lubos ang kagalakan ko’t kayo ay nagpaunlak
UNANG PANGKAT :
Sapagkat kayo ang aming hari at lahat nang iutos mo ay
aming sinusunod.
MAKISIG:
Sayang at wala kaming dalang mga palaspas na panghudyat sa aming taus-pusong pagbubunyi sa iyong
pagdating.
MAGANDA:
May dala naman kaming talulot ng mga bulaklak para isabog nang madama mong ikaw pa rin ang aming pinuno.
IKALAWANG PANGKAT:
At panginoon.
UNANG PANGKAT :
At bathala.
MAKISIG:
At hari.
UNA/IKALAWANG PANGKAT: (Sabay)
Mabuhay! Mabuhay ang Punong-Maskara! Mabuhay!
PUNONG-MASKARA:
May palaspas man o wala; may talulot man ng mga bulaklak o wala, ang mahalaga’y naririto tayo at nagsasaya. Para saan pa nga ba ang búhay kundi para sa pagsasaya? Dahil ang búhay ay kasayahan. Ang búhay ay
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
14/35
kasayahan. Ang búhay ay kaga-lakan. Ang búhay ay katuwaang walang hanggan.Walang hanggan!
LAHAT:
Mabuhay! Mabuhay! Mabuhay!
PUNONG-MASKARA :
At ang kaligayahang walang hanggan ito na makakamit lamang kung ipagpapatuloy nating lahat ang pagtataguyod sa kagandahan, katotohanan at kabutihan! ‘Yan ang nektar ng buhay!
LAHAT:
Mabuhay! Mabuhay! Mabuhay!
PUNONG-MASKARA:
Kung baga sa bulaklak, ang búhay ay ang bango. Kung bagá sa tála, ang búhay ay ang kislap ng liwanag. Kung bagá sa ngiti, ito ang tamis. Sa alak naman, ito ang
espiritung nakalalasing. Kayat uminom tayo’t lasapin ang espiritu ng buhay!
LAHAT:
Mabuhay ang Punong-Maskara! Mabuhay!
MAGANDA:
May inihanda kami para sa inyo-
IKALAWANG PANGKAT:
Na magpapatunay ng aming lubos na pagpuri sa inyong angking karunungan.
MAGANDA:
At sa napakalaking pagbabagong naidulot sa amin ng iyong nilikhang Bagong Lipunan.
PUNONG-MASKARA:
Mga kaibigan, nag-uumapaw ang puso ko sa kagalakan. Buong puso’t karangalan kong tatanggapin ang inyong papuring alay sa akin. Igagalang ko ang bunga ng inyong
katalinuhang hinuwad sa karungungan ko.
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
15/35
(Lalapit si MAGANDA kay MAKISIG at bubulong. Sesenyas si MAKISIG sa UNANG PANGKAT at bubulungan niya ito. Paliligiran ng UNANG PANGKAT sina MAGANDA at MAKISIG hanggang sila ay matakpan at mawala sa paningin.)
UNANG PANGKAT:
Ito ang dakilang kasaysayan ng –
IKALAWANG PANGKAT :
-- Buhay!
UNANG PANGKAT :
Na maligaya.
IKALAWANG PANGKAT :
Na masigla.
(Magkakalumpon ang IKALAWANG PANGKAT at ilalabas ang isang nasisindihang sulo.)
UNANG PANGKAT :
Sa simula ay liwanag.
(Ang mga susunod na sasabihin ay magkakaroon ng kanya-kanyang interpretasyon.)
IKALAWANG PANGKAT:
Inihihiwalay ang liwanag sa dilim.
UNA/IKALAWANG PANGKAT : (Sabay)
At nakilala ang araw at gabi.
UNANG PANGKAT :
Nilikha ang sansinukob.
IKALAWANG PANGKAT:
Ang lupa.
UNANG PANGKAT :
Ang tubig.
IKALAWANG PANGKAT:
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
16/35
Ang himpapawid
UNA/IKALAWANG PANGKAT: (Sabay)
At nilikha rin ang mga hayop.
UNANG PANGKAT:
Sa katihan.
IKALAWANG PANGKAT:
Sa himpapawid.
UNA/IKALAWANG PANGKAT: (Sabay)
At sila ay maaayos na nagsama-sama sa daigdaig…
(Mag-aanyong MGA MANOK na talisain ang dalawang tao mula sa magkabilang pangkat at magsisimulang maggigirian tulad sa isang SABONG.)
UNA/IKALAWANG PANGKAT: (Sabay)
At hinabi ang mga alamat..
UNANG PANGKAT :
Sa pula!
IKALAWANG PANGKAT:
Sa puti
UNANG PANGKAT :
Sa pula, sa pula, sa pula!
IKALAWANG PANGKAT:
Sa puti, sa puti, sa puti!
UNANG PANGKAT :
Sa pula!
IKALAWANG PANGKAT:
Sa puti!
(Magwawagi sa sabong ang puting manok at lalapit sa UNANG PANGKAT na ngayon ay nag-aanyo nang kawayanan.)
IKALAWANG PANGKAT:
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
17/35
Tukain mo ang kawayan. Tuklasin kung ano ang laman!
UNANG PANGKAT :
Kawayan ay tukain. At ang laman nito ay tukain!
IKALAWANG PANGKAT:
Tuka!
UNANG PANGKAT :
Tuka!
IKALAWANG PANGKAT:
Tukain mo ang kawayan!
UNANG PANGKAT:
Tukain mo nang tukain!
IKALAWANG PANGKAT:
Tukain mo nang kawayan!
UNANG PANGKAT :
Tukain mo nang tukain!
IKALAWANG PANGKAT:
Kawayan ay biyakin!
UNANG PANGKAT:
Biyakin! Biyakin! Biyakin!
IKALAWANG PANGKAT:
Tinuka…
UNANG PANGKAT:
Tinutuka…
UNA/IKALAWANG PANGKAT: (Sabay)
Nabiyak!
(Mahahating parang nabiyak na kawayan ang UNANG PANGKAT at makikita sa gitna nito sina MAKISIG at MAGANDA na parehong walang suot na maskara. Magugulumihanan ang lahat.)
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
18/35
UNA/IKALAWANG PANGKAT:
Isang lalaki.
UNANG PANGKAT:
At isang babae
MAKISIG:
Ako si Makisig.
MAGANDA:
Ako si Maganda.
MAKISIG:
Dapat ay malakas ang pangalan ko kaya lang hindi siya pumayag
MAGANDA:
Dahil ayaw ko naman na maging pangalan ko ay matibay o kaya’y matatag at hindi babagay sa hubog ng aking katawan.
MAKISIG:
Gusto sana niya ay matalino ang itawag sa kanya kung malakas ang pangalan ko, kaya lang, ako naman ang
hindi pumayag.
MAGANDA:
Dahil ayaw niyang masapawan ko siya gayong kahit
saan tingnan pareho lang kami. Pantay-pantay…
UNA/IKALAWANG PANGKAT: (Sabay)
Kaya –
MAKISIG:
Ako si Makisig ngayon. Bagay naman, hindi ba?
MAGANDA:
At ako naman si Maganda.
MAKISIG:
Kitang-kita ang pruweba.
UNA/IKALAWANG PANGKAT : (Sabay)
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
19/35
At dito ang kanilang paraiso.
MAKISIG:
Ito ang buhay.
MAGANDA:
Ito ang buhay.
(Mag-aanyong isang malaking sawa ang IKALAWANG PANGKAT. Dala-dala nito ang mga maskara nina MAKISIG at MAGANDA at gagapang itong papunta sa kinalalagyan ng dalawa.)
IKALAWANG PANGKAT:
Mas kikisig ka, Makisig – at mas gaganda ka, Maganda
kung isusuot ninyo itong mga maskara…
(Kukunin ni MAGANDA ang maskara niya at isusuot ito.)
MAGANDA:
Ang ganda…!
PUNONG-MASKARA:
Maganda…
(Kukunin ni MAGANDA ang maskara ni MAKISIG at isusuot ito sa lalaki.)
MAGANDA:
Ang kisig..!
PUNONG-MASKARA:
Makisig…
(Dadalhin ng dalawang pangkat sina MAGANDA at MAKISIG at isasayaw-sayaw sila.)
LAHAT:
Masaya, masaya, masaya!
PUNONG-MASKARA:
Hindi, hindi magulo. Masaya pa rin. Masayang-masaya…
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
20/35
(Matitigilan ang lahat sa sinabi ng PUNONG-MASKARA.)
MAKISIG:
Ano ang katuturan ng lahat?
MAGANDA:
Tungkol saan ang buhay?
MAKISIG:
Ano ang kahulugan?
MAGANDA:
Ano?
MAKISIG: (Sabay)
Ano?
(Saglit na katahimikan. Pagkatapos, unti-unti namang sasaya.)
UNANG PANGKAT :
Kasayahan!
IKALAWANG PANGKAT:
Kaligayahan!
LAHAT:
Ang búhay ay isang malaking pagdiriwang!
PUNONG-MASKARA:
Isang malaking pagdiriwang lamang…
(Magmimistulang isang pista ang kapaligiran sa pagtatapos ng munting dula-dulaan para sa PUNONG-MASKARA.)
PUNONG-MASKARA: (Papalakpak)
Mahusay!Mahusay! Isang maipagkakapuring pagtatanghal. Nakapupukaw ng isipan!
MAGANDA:
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
21/35
Salamat naman at naantig naming kayo. Sana ay nahiwatigan ninyo ang kalatas na ibig naming ipahatid.
PUNONG-MASKARA:
Isang matalino at mabisang paraan! Inabot ng pahiwatig ang kaibuturan ng aking puso at ang bawat hibla ng aking isip.
MAGANDA:
Kung gayon, ang lahat ay mapag-uusapan natin nang mahinahon.
PUNONG-MASKARA:
Wala nang dapat pang pag-usapan pa. Malinaw ang katanungan ninyo. At tuwiran din ang naging kasagutan na ang buhay ay isa lamang napakalaking piging. Napakasaya. At tayong lahat ay nilikha upang magpasasa sa kaligayahang dulot ng buhay.
UNANG PANGKAT:
Tama ang Punong-Maskara! Lagi siyang tama. Mabuhay! Mabuhay! Mabuhay!
MAKISIG:
Mga kasama, sandaling katahimikan lamang! Hinihiling namin ang kaunting katahimikan.
MAGANDA:
Ang pinakamahalaga na yatang bunga ng lahat ng karunungan ay ang kakayahang gawin ang isang bagay na dapat gawin, nais mang gawin ito o hindi. At ito, Punong-Maskara, ay dapat gawin! Noon pa sana - sadya lamang na wala pa kaming lakas ng loob.
PUNONG-MASKARA:
Magpatuloy ka.
MAGANDA:
Malinaw ang tanong at may kaukulang sagot, subalit hindi turol. Hindi nasaliksik ang bawat sulok. Sa tuwirang salita walang kulay dahil hindi buo.
PUNONG-MASKARA:
Liwangin mong mabuti ang iyong sinanasabi at parang nagiging kawili-wili.
MAGANDA:
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
22/35
Punong-Maskara, maraming uri ng kulay ang luntian. Hindi basta luntian lamang. Ang kulay ng dahon ay iba kaysa kulay ng bunga, o sa kulay ng sanga at puno. Iba sa kulay ng lumot at sa kulay ng sibol.
PUNONG-MASKARA:
Isa kang artista! Kung anu-ano ang iyong nakikita.
MAGANDA:
Bakit kailangang magsuot kami ng maskara para lumigaya?
PUNONG-MASKARA:
Sapagkat hindi maaaring mabuhay nang matiwasay kung ang tunay mong anyo ang nakalantad. May sinusunod tayong kabihasnan. At ‘yan ang mahigpit na inuutos sa atin ng ating sangkatauhan.
MAGANDA:
Kayo’y iba sa akin. Ako’y iba sa kanila. Hindi ba’t karapat-dapat lamang na magkaroon tayo ng kani-kaniyang sukatan ng pagkatao at moralidad. Ng pansariling saligan ng matibay na paniniwala sa katwiran?
PUNONG-MASKARA:
Mas makabubuti sa marami ang pangkalahatang panuntunan. Mas kanais-nais ang maging payak kaysa kung anu-anong masalimuot na kumplikasyon.
MAGANDA:
Likas sa tao ang kung anu-anong kumplikasyon?
PUNONG-MASKARA:
Hindi ba’t ‘yan ang dapat baguhin sa tao?
MAGANDA:
Sa pamamagitan ng pagbabalatkayo?
PUNONG-MASKARA:
Ang búhay ay isang balatkayo!
MAGANDA:
Mahirap kang unawain?
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
23/35
PUNONG-MASKARA:
Ang búhay ay isa lamang balatkayo!
MAGANDA:
Hindi ko matatanggap ‘yan!
UNANG PANGKAT:
Dapat mong tanggapin, dahil lahat nang sinasabi ng Punong-Maskara ay katotohanan lamang. Katotohanang maganda. Katotohanang mabuti. Katotohanang totoo. Sapagkat ang Punong-Maskara ay Diyos na dapat ninyong sundin!
PUNONG-MASKARA :
Nakikita’t naririnig mo ngayon ang pabulalas na pagsang-ayon at pagtangkilik ng nakararami sa aking taglay na kapangyarihan. Ako nga ay Diyos na dapat ninyong sundin!
MAGANDA:
Wala na. Hindi na talaga siya makukuha sa mahinahong
paraan.
MAKISIG:
Punong-Maskara, huwag mong gamiting dahilan ang pagiging diyos mo kunwari sa ‘yong hindi maka-diyos na gawain!
(Lahat ay matitigilan.)
PUNONG-MASKARA:
Ako ay diyos at isang kapangahasan ang kausapin ako sa ganyang himig. Ikaw, sino ka? Ano ka kung ihahambing sa
pagiging Diyos ko?
MAKISIG :
Ako’y tao! Higit sa lahat ng bagay, ako‘y tao! Kaming lahat dito ay tao.
PUNONG-MASKARA :
Nilikha ang tao para maging masaya.
MAKISIG:
Nilikha ang tao para maging tao.
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
24/35
PUNONG-MASKARA:
Nilikha ang tao para maging masayang tao.
MAKISIG:
Diyos lamang ang nananatiling mahusay sa tuwina. Diyos lamang ang nakapagsasaya nang lubos at walang pagkukunwari.
PUNONG-MASKARA :
Kung gayon, magsuot ka ng maskara ng isang Diyos!
MAKISIG:
Hindi maaaring dayain ang sarili. Ako ay hindi Diyos. Kami ay hindi Diyos. At kailanman ay hindi magiging Diyos. At ikaw, ikaw ay hindi isang Diyos. Hindi isang panginoon. Hindi isang bathala. Ikaw ay tao. Tayo ay tao. Lahat tayo ay tao.
PUNONG-MASKARA:
Ang tao’y nilikha sa kaanyuan ng Diyos. Sa kagandahan ng Diyos. Alin ang tunay na ikaw, ang iyong talagang anyo o ang nais mong maging anyo mo.
UNANG PANGKAT:
Kami ang maliligayang tao sa daigdig.
PUNONG-MASKARA:
Napakalaking bagay ang pagsang-ayon ng nakararami. Nagpapatibay sa tanikalang nag-uugnay sa ating pagkakaunawaan. Ano naman kaya ang masasabi ng ikalawang pangkat?
IKALAWANG PANGKAT : (Nag-aatubli.)
Ta-tama ang Punong-Maskara.
PUNONG-MASKARA:
‘Yun naman pala! Kung gayon, walang problema.
MAGANDA:
Mga kasama, pinag-usapan na natin ito kanina bago tayo nagpunta rito. Akala ko’y nagkakaintindihan na tayo.
IKALAWANG PANGKAT:
Kailangang sumunod sa Punong-Maskara. Mahirap sumalungat sa kapangyarihan.
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
25/35
UNANG PANGKAT:
Ang Punong-Maskara ay siyang Diyos. Sundin nating lahat ang kanyang iniuutos.
MAKISIG :
Habambuhay tayong magpapaalipin sa mga maskarang suut-suot natin.
IKALAWANG PANGKAT:
Ang Punong-Maskara ay ating bathala. At sa ating búhay, siya ang bahala.
MAGANDA :
Hindi! Dapat na nating harapin ang katotohanan. Ngayon na ang panahon para gawin natin ito.
MAKISIG :
Ang búhay ay liligaya lamang kung aalisin natin ang suot na maskara.
UNANG PANGKAT:
Ang Punong-Maskara ay siyang panginoon kayat dapat sundin ang lahat ng layon.
MAKISIG:
Lahat ay lilinaw kung susundin lamang ang isipang tunay. Ikaw, siya, ako – tayo’y pantay-pantay. Hindi magbabago, mundo ma’y magunaw.
UNANG PANGKAT:
Hindi totoo ‘yan, Makisig. Diyos ang Punong-Maskara. Hindi tao kundi Diyos.
IKALAWANG PANGKAT:
Katawang-tao na sugo ng Diyos.
MAGANDA:
Punong-Maskara, alam ko’t alam mo ang totoo. Sabihin mo, kung ikaw ay talagang magaling na pinuno.
PUNONG-MASKARA:
Kung ano ang paniniwala ay siyang katotohanan.
MAGANDA:
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
26/35
Hindi batayan ng katotohanan ang paniniwala ng marami - laluna’t ito’y mali. Kahit lahat ay naniniwala rito, ito ay mali pa rin - dahil kailanman, ang tama ay hindi nagbabago. At ang tama ang totoo!
MAKISIG:
Punong-Maskara, tama na ang ginugol naming panahon sa
pagkukunwari. Sawa na kami sa pamamalagi sa kasinungalingan.
PUNONG-MASAKARA:
Hindi kaya kayo ang nawawalang mga tupa na nagbabalatkayong mga pastol?
MAKISIG:
Sa ganitong panahon ay wala nang tupa, Punong-Maskara. Ang lahat ay dapat nang maging alamid.
PUNONG-MASKARA:
Ang ibig mong sabihin ay dapat nang magsuot ng maskara ng isang alamid.
MAKISIG :
Ang ibig kong sabihin ay magtanggal ng maskara at harapin ang katotohanan nang parang isang alamid.
PUNONG-MASKARA :
Hindi nang parang isang tao?
MAGANDA:
Huwag mo kaming lituhin, Punong-Maskara. Ayaw na naming magbalik sa mapagkunwaring lipunang gawa-gawa ng mga maskarang suot namin.
PUNONG-MASKARA:
Nang sundin ninyo ang mga kautusan ko, natagpuan ninyo ang kaligayahang dulot ng búhay. Ang kabihasnan. Hindi ba ninyo gustong manatili sa kalagayang ‘yan?
MAKISIG:
Maganda ang layunin ng kabihasnan at ng itinayo mong lipunan - subalit ang inyong pamamalakad ang mali. Pilit. Alin ang tunay na batayan upang matiyak na ang kabihasnang ating tinatahak ay tama? Ang
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
27/35
kabihasnan at ang lipunan ay likha ng tao. At ang mga ito’y nagbigay sa ating kalayaan ng hangganan. Sabihin mo ngayon, Punong-Maskara, kung ang kabihasnan at ang lipunan ay hindi kumikitil ng ugali ng tao.
PUNONG MASKARA :
Ating tanggap ang lipunang ito, sinang-ayunan. At libong taóng nanatili sa atin ang kabihasnan. Umantig sa ating kalinangan. Nagdulot ng katotohanan sa ating pagkatao. Sino ka ngayong magsasabing tayong lahat ay nagkamali
sa ating ginawa?
MAKISIG:
Ang kabihasnan ay isang maskara. At ang lipunan natin ay hindi naiiba.
PUNONG-MASKARA:
At ang mga maskarang iyon ang nagpapagunita sa tao na siya ay tao.
MAGANDA:
Ngunit nagtagumpay ba ang kabihasnan at ang iyong lipunan sa pagpapaalala sa atin na tayo’y tao, Punong-Maskara?
PUNONG-MASKARA :
Ibinigay ng kabihasnan at ng aking lipunan ang buhay na masagana’t masaya.
MAGANDA:
Ibigay rin ang pagkukunwari.
PUNONG-MASKARA:
Halos naroroon na tayo sa kadalisayan at hindi mapasusubaliang kaunlaran, binibini. Ngayon ka pa ba magbabago?
MAGANDA:
Hindi ko na kayang batiin ang ngumiti sa isang bagay na hindi naman nakapagpapatawa sa akin.
MAKISIG :
Mga duwag lamang ang sumasang-ayon gayong ang mga budhi naman ay tumututol.
PUNONG-MASKARA:
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
28/35
Kung talagang ilalagay mo sa isip, darating ang oras na matatagpuan mo ang iyong sarili na nananali rito. At malalaman ninyong hindi ako nagkamali.
MAKISIG:
Ayaw ko nang dayain ang aking sarili.
MAGANDA:
Nakamulat na ang aming mga mata.
PUNONG-MASKARA :
Pababayaan ba ng aking mga tagapanalig na ako’y basta na
lamang aglahiin.
UNANG PANGKAT:
Hindi, Punong-Maskara.
IKALAWANG PANGKAT:
Hindi kami papayag!
(Lalapit ang dalawang pangkat kina MAKISIG at MAGANDA. Nagbabanta.)
MAKISIG:
Ano kayo? Balintuna na bang lubha ang daigdig natin? Kayo’y tao. Ako tao. Iisa ang ating uri. Tayo pa ba ang magbibigay-wakas sa ating lahi?
PUNONG-MASKARA:
Mga kaibigan, mga kampon! Huwag kayong magpadala sa kanilang sinasabi. Sila’y naliligaw. Sila’y nababaliw. Ako
pa rin ang inyong pinuno. Ako pa rin ang inyong hari.
MAGANDA:
Huwag gawing sapilitan ang kanilang pagpili. Kung mahahaluan iyon ng takot, malamang na sila’y muli na
namang sumang-ayon sa iyo.
MAKISIG :
Mga kasama, ang minimithing pagbabago’y ngayon dapat isagawa. Kung maghihintay pa tayo ng bukas ay malamang na maunsiyami na tayo rito dahil wala nang bukas na darating.
UNANG PANGKAT :
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
29/35
Nasisiyahan na kami sa aming katayuan ngayon, Makisig.
PUNONG-MASKARA :
Tumpak! ‘Yan ang tumpak na Tumpak!
MAKISIG:
Hindi matatakasan ang katotohanan. Walang makatatalikod sa tunay na mukha ng búhay. Hindi sapat ang mabibilis at malalaking mga hakbang sa pagtakbo. Mas maiikot ng paa ng katotohanan.
PUNONG-MASKARA:
Ang mukha ng búhay ay kinakatawan ng maskara – kayat ang tanging lunas ay ang pagsusuot nito.
MAKISIG:
Ang pagsusuot ng maskara ay isang uri ng pagtakbo. Ang pinakamataas na bahagdan ng pagtakas. Ang pinakamukha
ng karuwagan.
PUNONG-MASKARA:
Ito ang tanging kalutasan ng mga suliranin sa daigdig. Ang tanging lunas!
MAGANDA:
Hindi buo kung dumating sa atin ang kalutasan sa ating mga suliranin kundi mga pira-pirasong bahagi na tayo naman ang dapat magtagni-tagni.
PUNONG-MASKARA:
Ang ????, isang napakabagal na paraan!
MAGANDA:
Ngunit tiyak! Bakit hindi pa rin lubos ang aming kasiyahan kahit nakasuot kami ng maskara - kung pagmamaskara nga ang lunas sa aming nadarama?
MAKISIG :
Bakit ang aming budhi’y nagsusumigaw pa rin sa pagtutol?
PUNONG-MASKARA:
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
30/35
Likas sa ugali ng tao ang mainip. Maghintay pa kayo ng ilang panahon at tinitiyak kong sasapitin din ninyo ang kalagayang sinasabi ko.
MAKISIG:
Bakit ibinubulong ng aming budhi na kung dumating man ang sandaling kami’y tuluyang malason ay magsusumigaw pa rin sa pagtutol ang aming kamalayan?
MAGANDA:
Bakit kung talagang masaya ang buhay ay dumadalangin pa rin kami kay Bathala, dumadalangin nang buong taos sa aming Diyos, nananawagan sa isang panginoon na wala yata roon?
MAKISIG:
Kung talagang puno ng kasiyahan ang buhay, nagsusumigaw pa rin ang aming kamalayan sa paghahanap ng katuparan at kaganapan?
MAGANDA:
Dahil ba sa talagang wala namang kaganapan?
PUNONG-MASKARA :
May kaganapan, ipinangangako ko.
MAKISIG :
Nasaan?
MAGANDA:
Nasa dalangin ba? Sa pagdarasal? Nasa panawagan?
PUNONG-MASKARA:
Nasa maskara!
MAKISIG:
Mali! Ang totoong Diyos lamang ang tunay na kaganapan. At hindi ikaw ‘yun!
PUNONG-MASKARA :
Hindi! Tanging ang maskara ang kaganapan, at ako ‘yun. Ako!
MAKISIG :
Ang pagdalangin sa isang bathala, ang pagdarasal, at ang panawagan ay sila mismong Diyos. At naroon ang kaganapan.
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
31/35
MAGANDA:
Ang pananampalataya ay siya mismong Diyos.
PUNONG-MASKARA:
Maskara ang tanging lunas. Maskara para magwakas sa lahat ng mga suliranin.
MAKISIG :
Ang tunay na wakas sa mga suliranin ang magiging simula ng kamatayan ng lipunan natin. Tayo ay nilikha sa ganitong uri ng daigdig. Hindi tayo buo kung walang mga suliranang lulutasin. Tayo’y naririto para tumuklas ng mga bagay at hindi natin iyon maisasagawa nang lubusan kung may hangganan ang ating nasasaklawan.
MAGANDA:
Ngayon, nauunawaan na ba ninyo kung bakit tinatanggihan namin ang iyong kabihasnan? Ang iyong maskara at bagong lipunan? Kami’y tao at ang tao ay mananatiling tao.
PUNONG-MASKARA:
Hindi dapat gamitin ang dahilang kayo’y tao para bigyan katwiran ang kahayupang iniisip ninyo.
MAGANDA :
Hindi kahayupan ang adhikaing makalaya. Ito ang pangarap na pinakadakila.
MAKISIG:
Ibig naming makawala sa maliit na daigdig na aming gingalawan. Gusto naming palawakin ang aming mundo.
PUNONG-MASKARA :
Ang kapirasong kapangyarihan ay masamang palakihin nang gayun-gayon lamang. Sa itaas nararapat na magmula ang pagbabago.
MAKISIG:
Sa pagpapaalala ng nasa ibaba.
MAGANDA :
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
32/35
Baguhin natin ang kabihasnan. Humanap tayo ng ibang landas palayo sa lipunang ito. Maaaring doon naman tayo lubos na lumigaya nang walang halong pagkukunwari.
PUNONG-MASKARA:
Igalang ninyo ang katayuan ko. Ako ang inyong puno.
(Tatanggalin nina MAKISIG at MAGANDA ang kani-kanilang mga maskara. Dahan-dahan silang lalapit kay PUNONG-MASKARA. Hindi malaman ang gagawin ng dalawang pangkat.)
MAKISIG:
Ngayon, malaya na ako, handa na akong humarap sa katotohanan.
MAGANDA:
Kalimitan ay mas maganda pa at mas kaaya-aya ang tunay nating anyo kaysa mga maskarang isinusuot natin.
MAKISIG :
Ano ang katotohanan, Punong-Maskara?
MAGANDA:
Sino ka, Punong-Maskara?
PUNONG-MASKARA:
Kaawaan ninyo ang inyong mga sarili. Huwag ninyong wakasan ang ating daigdig.
MAKISIG :
Kahit ba sa pagkaduwag at pagkatakot, gagaya pa rin kayo sa Punong-Maskara?
MAGANDA:
Gumisig na kayo’t imulat ang mata. Tanggalin na ninyo ang inyong maskara!
(Mapapasunod ang dalawang pangkat kina MAKISIG at MAGANDA. Aalisin nila ang kanilang mga maskara.)
PUNONG-MASKARA:
Huwag! Huwag kayong baliw!
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
33/35
MAKISIG:
Ikaw ang baliw. Ikaw ang nagtatago sa katotohanan.
MAGANDA:
Kami’y bukas na ang isip at ang mga paa namin ay nakaapak na sa lupa.
MAKISIG:
Alisin ang maskara!
MAGANDA:
Sa ganyang paraan lamang natin maililigtas ang daigdig.
MAKISIG:
Kaya nating abutin ang langit! Tanggalin ang kanyang maskara.
(Dudumugin ng lahat ang PUNONG-MASKARA.)
PUNONG-MASKARA:
Huwag! Huwag!
LAHAT:
Tanggalin ang maskara. Hubarin! Hablutin!
PUNONG-MASKARA:
Ito na ang wakas!
LAHAT :
Ito na ang simula.
(Matatanggal ang maskarang suot ni PUNONG-MASKARA at malalantad ang isa pang maskarang suot niya. Lahat ay magugulumihanan.)
LAHAT:
Maskara pa rin?
PUNONG-MASKARA:
Ako pa rin ang inyong diyos!
MAKISIG:
Hindi! Hablutin ang maskarang ‘yan!
LAHAT:
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
34/35
Hablutin!
PUNONG-MASAKARA:
Huwag!
(Matatanggal ang maskara at lilitaw ang isa pa.)
PUNONG-MASKARA:
Bakit? Bakit ninyo ako pinabayaan?
(Tatanggaling muli ang maskara ni PUNONG-MASKARA at may panibago na namang suot ang lilitaw. Iba-ibang mukha ang makikitang suot ng PUNONG-MASKARA habang patuloy siyang hinahablot at dinudumog ng dalawang pangkat. Maraming mga maskarang makukuha kay PUNONG-MASKARA; mga mukha ng ibat’ibang diktador sa mundo; mukha ng mga asawa nito’t anak; at iba pa. Hanggang sa ang buong tanghalan ay mapuno ng maskara at ang mga nagsisiganap ay halos mawala sa mga ito.)
MAHIWAGANG TINIG: (Umaalingawngaw.)
Humayo kayo - at salubungin ang araw bago ito bumati sa umaga..!
(Lahat ay matitigilan at hihinto. At tatahimik. Unti-unting magdidilim ang ilaw.)
From panitikan.com.ph
Maskara/Frank Rivera
35/35










































 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola